Sa January 13 na ang huling episode ng Amaya. Inaabangan din ang susunod na project ni Marian Rivera (photo above), kasama ang real-life boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Ito ang soap na My Beloved.

"Hindi naman sa mas masaya, pero, ang ganda na sa pagpasok ng bagong taon, ang ine-expect ko, magpapahinga muna ko. Tapos, sitcom lang ako. So ngayon, sabay na," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal

Ayon pa kay Marian, "Marami raw silang i-a-adjust para sa akin."

May balitang ipapaputol daw ni Marian ang kanyang buhok for My Beloved, pero nakangiti nitong pinahindian ito.

Aniya, "Hindi! Ano ba?"

Sabay parang napaisip at nakangiting humirit ng, "Malay mo."

Pero may naiisip ba siyang gagawin para makalimutan muna ng manonood na si Amaya siya at bago na ang kaniyang character sa My Beloved?

Lalo na't sa February 13 na ang pilot ng bagong primetime series niya?

"Actually, sa January 11, imi-meet ko ang buong production nila. Mag-o-open sila sa akin kung ano ang character ko, ano ang dapat kong gawin. 

"Hindi ko pa rin alam ang character ko, focus muna 'ko sa Amaya."

SECOND CHOICE. Tila expected na ni Marian na tatanungin siya sa pagiging second choice niya para sa My Beloved. 

Alam naman ng lahat na si Rhian Ramos ang unang choice para sa role.

Pero dahil na rin sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Rhian kamakailan, ito na ang nagdesisyong umalis sa soap.

Does Marian mind being second choice?

"Kahit pang-sampung choice pa ako, okay lang. 

"Ang importante, ako ang gagawa at ako ang pinagkatiwalaan na maging partner ni Dong."

May balitang triple raw ang talent fee niya sa My Beloved, totoo ba?