Sa January 13 na ang huling episode ng Amaya. Inaabangan din ang susunod na project ni Marian Rivera (photo above), kasama ang real-life boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Ito ang soap na My Beloved.

"Hindi naman sa mas masaya, pero, ang ganda na sa pagpasok ng bagong taon, ang ine-expect ko, magpapahinga muna ko. Tapos, sitcom lang ako. So ngayon, sabay na," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal

"Smile na lang ako," natatawang sabi niya.

"Basta ang masasabi ko lang, 'binigay ng GMA ang mga hiniling ng manager ko para sa akin."

Ang manager ni Marian sa simulat-simula ay si Popoy Caritativo.

Did Dingdong factor in her decision to accept the role in My Beloved?

Ayon naman kay Marian, "Sabi ko nga, ang ganda ng pasok ng taon ko.

"Akala ko, magpapahinga ko. Akala ko, sitcom lang.

"Ngayon, magkakaroon pa ako ng trabaho, at may bonus pa, partner ko pa si Dong, so, ano pa ba ang hihilingin ko?"

Kinamusta rin namin kay Marian ang kanyang nagdaang Christmas at New Year. 

Makikitang masaya at kuntento nga ito sa mga nangyayari sa buhay niya.

Nakangiting kuwento pa rin niya, "Masaya. Happy. Siyempre kasama ko ang family ko, kasama ko si Dong, kasama ang family ni Dong. Masaya!"

Kasama rin siya sa Boracay nang magpunta ro'n si Dingdong at ang pamilya nito.

"Yes, treinta kami!" nakangiting sabi pa niya. "Wala ngang tulugan do'n dahil kain-kain, swimming, kuwentuhan."

What about New Year?

"Secret!" natatawang biro pa niya. "Bago maghiwalay ang taon, kasama ko si Dong sa family niya. Tapos, noong umaga ng January 1, sa Cavite na kami."

SHARING THE BLESSINGS. May isang magandang ugali si Marian kaya naman she is blessed. Ito ay ang pagsi-share niya ng blessings na natatanggap niya.