Sa January 13 na ang huling episode ng Amaya. Inaabangan din ang susunod na project ni Marian Rivera (photo above), kasama ang real-life boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Ito ang soap na My Beloved.

"Hindi naman sa mas masaya, pero, ang ganda na sa pagpasok ng bagong taon, ang ine-expect ko, magpapahinga muna ko. Tapos, sitcom lang ako. So ngayon, sabay na," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal

"So, magkasama kami noon at pareho kaming, totoo ba? 

"Para kaming 'Wow!' Heaven ang feeling namin na nanalo siya at unexpected talaga.

"Kasama pa namin yung family niya—okay, cheers! Ang saya-saya kasi wala kang ine-expect."

Para kay Marian, expected na rin daw na hindi naman lahat ay masaya sa pagkapanalo ni Dingdong.

Ang sabi niya, "Well, ganoon talaga ang pagiging artista. Hindi puro saya, hindi puro papuri. 

"Palagi talagang may magki-criticize sa 'yo. At sa pagki-criticize na 'yan, diyan ka magiging magaling at mabuting tao."

Tinanong din si Marian kung isa rin ba sa wish niya ngayon ay ang manalo ng award.

Nakangiting pahayag nito, "Alam niyo po, ang artista naman, siyempre, palaging sa lahat ng ginagawa niya, gusto na pinupuri. 

"Siyempre, lahat naman nga artista, gustong magka-award, pero, kung hindi mo pa time at merong mas magaling sa 'yo, okay lang.

"As long as may trabaho ka at ginagawa mo ang 100 per cent sa trabaho mo, siguro okay lang yun."

When is the right time to win an award?

"Matagal na akong may award," nakangiting sabi niya.

"Sa trabaho ko pa lang, marami akong [projects] at para sa akin, award na yun.

"Tapos, siyempre kay Dong, sa family ko at sa mga bago kong kaibigan, para sa akin, yun ang totoong award."

Sa movies naman daw, marami ang naka-line up.