An empty bus "fell off" the flyover and plunged into three cars passing underneath. Not a real vehicular accident, but a setup especially created for GMA-7's new primetime series, My Beloved, starring real-life couple Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Photo: File photos

Lumikha ng malaking kaguluhan sa isang banda ng Pasay City ang taping ng upcoming GMA-7 primetime series na My Beloved noong Lunes, Enero 30.

Tampok sa ginagawang seryeng ito ang real-life sweethearts na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Isang malaking bus kasi ang "nalaglag" mula sa flyover ng Buendia at Roxas Boulevard, at tatlong sasakyan naman sa ilalim ang "nadaganan."

Marami sa naroroon ang nag-akala na totoong sakuna ang nasaksihan nila, pero yun pala'y isang setup lang ito bilang bahagi ng pilot episode ng My Beloved, na magsisimulang mapanood sa February 13.

Marami ang nakiusyosong mga motorista at bystanders sa setup na lumikha ng malaking traffic sa lugar.

Humingi naman ng paumanhin ang production team ng My Beloved sa anumang abala na nilikha ng kanilang taping.

Pero tiniyak ng production staff ng My Beloved na mayroon silang kaukulang permiso at clearance para rito.

Hiningan naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag si Dingdong tungkol sa naturang pangyayari.

Narito ang mensaheng ipinadala ni Dingdong sa PEP sa kanyang text message:

"As a result of our utmost desire and commitment to deliver quality entertainment by the use of showcasing our production capabilities, most of the time it entails a high risk of safety to everyone involved—especially when shooting in public places.

"With that, we would like to thank our authorities for the assistance and guidance, and I am grateful that no one was physically harmed while capturing a very critical and intense scene for our show, My Beloved."

Para sa kanilang bagong serye, kakaibang Dingdong at Marian daw ang makikita ng mga manonood.

Kung si Marian ay nagpaikli ng buhok, si Dingdong naman ay "nagpahaba" ng buhok para sa kanyang role bilang "angel of death."

Marami nga ang nagsabi na kahawig ni Dingdong sa kanyang mahabang buhok si Legolas, isa sa mga tauhan sa epic Hollywood movie na Lord of the Rings, na ginampanan ng British actor na si Orland Bloom.