After being taken off guard by the news that his friend Paulo Avelino has  moved to the Kapamilya network, Aljur Abrenica talked with his friend and now says, "Ang reaksyon ko diyan, ang masasabi ko lang diyan, suportado ko siya."

Photo: Noel Orsal

Isa si Aljur Abrenica sa mga malalapit na kaibigan ng dating Kapuso star na si Paulo Avelino.

Magka-batch ang dalawa sa Season 4 ng GMA-7 reality-based artista search na StarStruck, at nagkasama rin sila sa ilang shows tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin (2009)at All My Life (2009).

Pero matapos ang ilang taon sa Kapuso network, noong August 12 ay pormal nang pumirma ng kontrata si Paulo sa Kapamilya network. (CLICK HERE for related article.)

Ikinabigla ni Aljur ang paglipat na ito ng kanyang matalik na kaibigan.

Katunayan, hindi pa malalaman ni Aljur ang tungkol dito kung hindi pa siya hiningan ng reaksyon ng PEP contributor na si Rommel Gonzales tungkol sa paglipat ni Paulo. (CLICK HERE for related article.)

Noong una'y ayaw pa raw talaga maniwala ni Aljur, pero nang magkausap na sila ng kanyang kaibigan ay mas naging malinaw na sa kanya ang lahat.

Sa Link Up event ng Tupperware noong Miyerkules, August 23, sa Opus Bar, Resorts World Manila sa Pasay City, sinabi ni Aljur na nagkausap na sila ni Paulo tungkol sa paglipat nito sa ABS-CBN.

"Kumpare ko yun, e, magkaibigan kami, best friends...

"Nasabi na niya sa akin, confirmed na.

"Kasi nung una, hindi pa ko naniniwala, nag-confirm siya sa akin.

"Pero hindi pa nila napag-uusapan yung mga detalye, yung mga bagay," sabi ni Paulo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayong nagkausap na sila, ano ang reaksiyon niya sa pagiging Kapamilya na ni Paulo?

"Ang reaksiyon ko diyan, ang masasabi ko lang diyan, suportado ko siya," nakangiting sabi ni Aljur.

"Kasi, hindi naman... Kumbaga, may turning point talaga sa career natin na kailangan natin gawin.

"Intindi ko 'yan na para sa ikabubuti niya.