celeb

Aljur Abrenica has no time for love; indulges in new sport

by Arniel C. Serato posted on October 18, 2011  STATS: 292 Views | 27 Comments

 

"Wala akong nililigawan sa ngayon, kasi marami tayong ginagawa sa ngayon. Mahirap pagsabayin. Gusto ko, pag may nakarelasyon ako, naibibigay ko sa kanya yung time para sa kanya. Yung tamang responsibilidad. Hindi [ko] kaya talagang pagsabayin, e. Kasi, nahihirapan ako sa schedule ko," says Aljur Abrenica when asked about his lovelife.

 

Aljur on his new sport: "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e. Lalo na, naimpluwensiyahan ako ng dad ko. Kasi, magaling din siya sa firing. Ngayon lang ako pinayagang humawak ng baril. Ngayon lang."

 

Photo By: Arniel C. Serato

Kapansin-pansing medyo pumayat at naging lean ang pangangatawan ni Aljur Abrenica nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, October 15, sa dressing room ng Zirkoh comedy bar sa may Tomas Morato, Quezon City.

Kasalukuyang naghahanda si Aljur that time para sa kanyang performance sa The Yummies special show. Kasama ni Aljur sa show sina Jose Manalo, Wally Bayola, Edgar Allan Guzman, at Markki Stroem.

Habang nag-aayos ang young actor ay humihirit kami ng tanong sa kanya.

Una naming tinanong sa kanya kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

"Ngayon, siyempre sa Amaya. 'Yun talaga ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon [at] Party Pilipinas.

"Upcoming movies, wala pa naman masyadong detalye.

"Tapos yung sports ko, nagdyi-gym ako, Muay Thai.

"'Tsaka yung bago kong pinagkakaabalahan, yung target shooting, firing," banggit ni Aljur.

READY, AIM, FIRE! Bago sa pandinig namin ang firing na isa na raw sa pinaglalaanan niya ng oras. Bakit naman kaya ito ang napili niyang sport sa ngayon?

Paliwanag ng Kapuso hunk, "Matagal ko na kasi gusto talagang mag-firing, e.

"Lalo na, naimpluwensiyahan ako ng dad ko. Kasi, magaling din siya sa firing.

"Ngayon lang ako pinayagang humawak ng baril. Ngayon lang."

So, dati na niyang pangarap ito?

"Oo, bata pa lang ako. Pag nakikita ko dad ko, gusto ko na talagang humawak ng baril.

"Pero, hindi pa ako pinayagan [noon] kasi nga bata pa ako.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  JeepneyDriver

    10/19/2011 | 08:33 PM
    sa Amaya kasama siya sa tribo ng mga Banobo....walang kabuhay buhay yung mga scenes niya, walang corresponding emotions yung mga reaction, at saka halatang kinakabisado yung dialogue, magagaling pa yung mga bit player sa kanya. Parang idinadrag niya yung mga scenes, bumabagal...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  lukaret1

    10/19/2011 | 08:02 AM
    Bakit nga walang magandang umarte sa GMA? Pero yung Party Pilipinas nila nag iimprove dahil ang gagaling ng mga ladies na biritera. I think ng nawala si Regine nabigyan ng chance ang La Diva na mag solo sila lalo na si Jonalyn Viray. Magagaling yung tatlo. Sa ABS naman si Angeline Quinto ang pambato nila sa ladies. Pero marami silang magandang kumanta sa mga boys. Sa GMA si Gian Magdangal lang ang magandang kumanta. Kailangan ng GMA ang magaling umarteng leading man. Dapat kunin nila si Jericho Rosales.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  pumpkin_pie

    10/19/2011 | 06:19 AM
    patabel, that's true. i agree. but i think the afternoon drama's story lines and dialogue's are getting better.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  patabel

    10/19/2011 | 04:46 AM
    totoo kulang sa workshop mga gma talents... at sana magkaroon nman kau ng mgagaling na script writers!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  bitterherbs

    10/19/2011 | 01:16 AM
    wilma galvante ipatrain mo si aljur richard sa maalaala mo kya ng maging ayos. iyon lang masama ang ugali ng 2 hagahahhaa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  bitterherbs

    10/19/2011 | 01:10 AM
    Wilma Galvante kung di mo nakikita ang mga tuod mo na talent siguro dapat ka na rin umalis. At marami ang nalipat at aalis tulad ni Carmina wag mo yan paalisin utang na loob. Instead na magbitaw kayo need nyo maintain sila at magdagdag pa. Si Gloria Romero at Caridad Sanchez at Celia Rodriquez wag nyo na paalisin sa 7 ha at kunin nyo ulet si manoy okay. please maintain those veteran actors. ang mga bata kung walang silbi itapon wag bigyan ng projec kawawa lang paghihirap ng mga director at staff.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  bitterherbs

    10/19/2011 | 01:08 AM
    buti na lang may iza calzado kayo na pambato tapos ano wala na sa lalaki ang anak ni bisaya si richard mula MULAWIN HANGGANG NGAYON wala pa rin kagaling galing kahit pag iyak anak lang ni bisaya na eskandalosa kaya binibigyan ng gozon. di nyo ba pwede workshop ang tao na iyan tama naman mahal ng bayad walang galing lugi di marunong kumanta at sumayaw okay na iiyon tangap na pero acting di rin marunong ano iyon artista ba iyon.. wa wenta na artista yan naiinis langako kasi why you still keep those people na walang kwenta walang potential liability ng company. Gozon pls do something bout it. High praise ako sa News nyo unbeatable iyon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  bitterherbs

    10/19/2011 | 01:04 AM
    Ang emosyon ng mga Starstruck avenger naku walang kwenta walang dating ang acting.. mabuti na lang at may claudine at ibang artist na galing sa ibang talent manager pero kung talent ng GMA Artist naku. Kita mo wilma di mo nakita ang galing ni tony gonzaga nakakainis ka pinakawalan mo sya wala ka kasi eye to see the potential star. see angel locsin pinakawalan mo rin at in fairness ang galing nya sa acting ngayon di mo nakita yan. kainis na kaya habol ko sila lahat ng talent ng 7 kuha ng 2 kaya nasasaktan ang kinukuha pa ay magagaling. wahhhhhhhhhhhhh mamirata kayo lakihan nyo ang bayad
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  bitterherbs

    10/19/2011 | 01:01 AM
    ito lang ang gusto ko wilma galvante kung di mo kaya mag invest sa acting workshop dance workshop at singing ang talent mo utang na loob magresign ka na lang sa pwesto mo ha. ang channel kulelat na sa rating pero di sila nagkulang mag invest sa workshop grabe sila itrain parang sundalo. kaya naman wag mo sayangin ang binibigay ng ng viewers sa inyo do something bout it ur talents are mandatory to give their best talent. kung ito ay tuod bakit nagawan ng paraan ng two ayusin ang acting except kay jewel mische tama lang itapon maluluge lang kayo maganda lang pero walang talent.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  bitterherbs

    10/19/2011 | 12:57 AM
    Ako ay kapuso loyal ako lalo na kapag new department ang pag uusapan. thanks to Mulawin mag mula noon namayagpag sila ang channel 2 nag iba na ang yabang tameme na kantar na lang ang pinagmamalaki. Pero utang na loob pls lang gawan naman natin ng paraan ang mga actors and actresses natin na galingan ang acting awa na lalo na ito si ALJUR kung pwede lang itapon sa indulanon bagay sa kanya ang machete kasi parang kahoy ang acting parang eng eng retarded ang acting kakainis. Mahiya ka naman aljur nasisira ang channel 7 dahil sa iyo. Wilma Galvante di mo ba pansin ang mga actors mo walang galing sa acting at sayaw. ang channel 2 nagagawan ng paraan ang mga kaliwang paa at ang tuod sa acting nagagawan ng paraan din. Pls lang do something about it para mas milya milya na ang agwat natin sa channel 2 oa lahat
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  kapams_saks

    10/18/2011 | 08:58 PM
    anong nangyari kay kylie??? bawal dahil si rhian ang partner niyang susunod??? kagaya dati, deny kung sino ang gf niya kasi may serie sila ni rhian. at gagawan na naman ng love angle sila? na kesyo MU MU sila??? kaya turn off minsan itong batang ito eh. malaki nga katawan, wala namang "balls" to stand up para sa mahal niya... hay naku, puro pang-showbiz! ano kaya ang totoo pa???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  labkokapuso

    10/18/2011 | 08:53 PM
    Tama! focus muna sa career..tsaka na ang lovelife, tutal di rin nmn kayo ni Kylie mgkakatuluyan. sana nga hinintuan mo na syang ligawan. to be honest di nmn kayo bagay.. marami pa na higit sa kanya.. sa mga fans huag magalit..peace!Good luck and God Bless..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  bignetworkwars

    10/18/2011 | 08:24 PM
    daming pinagkakaabalahan... mag-acting workshop ka na muna.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  1pepaddict

    10/18/2011 | 07:08 PM
    i thought he was courting Kylie? he was quite vocal about his feelings toward her. i wonder what happened.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  alexangel

    10/18/2011 | 04:44 PM
    uy andito rin si brainless number 6. define world class? LOL! bakit si carla abellana ang nanalo ng best performer award sa young critics circle at hindi yung mga world class daw na taga magic kingdom? LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  dyoy19

    10/18/2011 | 04:11 PM
    good luck.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng

    10/18/2011 | 03:41 PM
    Kmusta na kaya ang kaso nito? Mahlashwa sa totoong buhay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  GlvnteGzon_MagicMagic_EngEng

    10/18/2011 | 03:39 PM
    Haay si Matsiti forever bano. Mukhang dugyot pa. Hahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    10/18/2011 | 03:04 PM
    galing mo sa Amaya Aljur. at yummy mo talaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • delicate_tickles

    10/18/2011 | 02:11 PM
    hindi mestiso pero may appeal. kaya nga gusto ni ai-ai de las alas tong batang to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About