Edgar Allan Guzman on working with his idol John Lloyd Cruz: "Kagabi nga may scene kami na drama, ramdam na ramdam ko siya. Ang galing niya talaga. Inapiran ko nga siya. Sabi ko, 'Bro, ang galing mo!' Ang maganda ay nakakakuha rin ako ng experience, ng mga tamang pagbitaw ng linya, ng tamang pag-motivate sa isang scene. So, marami rin akong nakukuhang technique sa pamamagitan ng pakikipagtrabaho kay John Lloyd."

Photo: Monching Jaramillo

Maganda ang panimula ng taong 2012 para kay Edgar Allan Guzman, ayon na rin sa batang aktor.

Nasama kasi siya sa cast ng romantic-comedy movie na Unofficially Yours, ang Valentine offering ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Gaano katotoong mas pinili niya ang pelikulang ito kaysa sa TV5 mini-series na Nandito Ako, na pinagbibidahan ng international singer na si David Archuleta?

Paliwanag ni Edgar, "Hindi naman po sa mas pinili.

"Actually, mas nauna po kasi naming tanggapin itong movie.

"Dahil nga nagkasapaw-sapaw na yung schedules ko kaya kailangan naming i-give up yung kay David Archuleta.

"Wala namang regrets kasi masaya naman ako sa pelikulang ito, e."

Nilinaw rin ni Edgar ang isyung muntik nang mawala sa kanya ang Unoffcially Yours dahil sa pagiging pasaway diumano niya.

"Sa isyu na 'eto yung muntik nang mawala dahil sa pagiging pasaway ko? Hindi naman po siguro.

"Kumbaga, sa sked lang po, alangan lang po sa sked siguro.

"Pero mas binigyan nga namin ng priority yung pelikula siyempre with Angel and John Lloyd.

"Kumbaga, bigatin nga yung cast, di ba?

"So, para sa akin, magandang experience ito."

Hindi kaya magtampo ang home network niyang TV5 dahil dito?