Edu Manzano created a short buzz on Twitter earlier today for saying that President Noynoy Aquino was spotted with Grace Lee in Promenade, Greenhills. A few hours later, he retracted what he posted and admitted, "'Nakuryente' ako, and I was foolish to tweet unconfirmed chismis."

Presidential Spokesperson corrected Edu Manzano's Twitter post by saying that PNoy was in a board meeting with National Economic Development Authority.

 

Photo: Mark Pimentel / Melo Balingit

Isa na namang personalidad ang umani ng batikos mula sa publiko dahil sa microblogging site na Twitter.

Mabilis na kumalat ang nai-post ng TV host-actor na si Edu Manzano sa Twitter na diumano'y nakita niyang magkasama sina Panguloy Noynoy Aquino at Grace Lee.

Kaninang pasado alas-dos ng hapon, Marso 21, nang i-post ni Edu sa kanyang personal na Twitter account ang sumusunod:

"PNoy and Grace Lee spotted at Promenade Greenhills today. In the middle of the day. To be fair, it IS a nice day for a leisurely stroll."

Hindi sinabi ni Edu kung siya mismo ang nakakita kina PNoy at Grace.

Pero agad namang pinabulaanan ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa pamamagitan din ng Twitter, ang tweet ni Edu.

Aniya, "@RealEduManzano Ur tweet is tsismis. The President is presiding over a NEDA Board meeting. It started at 10, the meeting is still ongoing."

Ilang sandali pa ay agad namang binawi ni Edu ang kanyang nai-post at humingi ng paumanhin sa publiko.

Base sa paliwanag ni Edu, tila may nakapagsabi lamang sa kanya na nakita sina PNoy at Grace sa Greenhills.

Ito ang mga sumunod na Twitter posts ni Edu:

"Pnoy was NOT in Promenade with Grace Lee today. It was unconfirmed gossip, and I was overeager. I deserve all the backlash. Lesson learned.

"Sorry for the confusion, everyone. In local parlance, 'nakuryente' ako, and I was foolish to tweet unconfirmed chismis."

Dahil sa paliwanag na ito ni Edu, marami tuloy ang bumatikos sa kanya dahil sa maling impormasyong inilahad niya sa Twitter.

Sinagot naman ito ni Edu sa pamamagitan ng muling pag-amin sa kanyang pagkakamali.