Pinabulaanan ng Magic 89.9 ang naunang pahayag ni Angelicopter (nasa kanan) na si Grace Lee (nasa kaliwa) umano ang dahilan ng pagkakatanggal niya sa programang Good Times. Ayon sa statement na ipinadala ng istasyon, "It is true that there was a misunderstanding between the two ladies. Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times. However, it was NOT the reason Mrs. [Angelika] Schmeing Cruz was terminated."

Photo: Noel Orsal

Isang press statement ang ipinadala ng Magic 89.9 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, Pebrero 22, tungkol sa isyung kinasasangkutan ng dati nilang disc jockey na si Angelicopter.

Ito ay matapos lumabas kahapon, Pebrero 21, ang eksklusibong panayam ng PEP, sa pamamagitan ng text, sa dating Good Times co-host.

Sinabi ni Angelicopter na si Grace Lee, isa rin sa co-hosts ng programa, ang dahilan ng kanyang pagkakatanggal.

(CLICK HERE to read related article.) 

Base sa panayam kay Angelicopter, Angelika Schmeing-Cruz sa tunay na buhay, isang tampuhan umano sa pagitan nila ni Grace ang pinag-ugatan ng lahat.

Pinatotohanan naman ito ng Magic 89.9 sa kanilang pahayag:

"It is true that there was a misunderstanding between the two ladies.

"Admittedly, conflicts happen between jocks in radio shows specially in a high pressured show like Good Times."

Ang pangyayaring iyon ang itinuturo ni Angelika na dahilan kung bakit siya natanggal sa programa.

Sinabi raw kasi ni Grace na ayaw na niyang makatrabaho ang dating Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown castaway, na pinaboran naman daw ng management ng istasyon.

Pinabulaanan naman ito ng kompanya.

Ayon sa Magic 89.9, ang tunay na dahilan ng pagkakatanggal kay Angelika ay dahil sa naging resulta ng kanilang "assessment" sa kanyang "overall performance" sa trabaho.

"Her [Angelika] attention has been called several times due to internal issues.

"It was a matter decided after an ongoing assessment of her overall performance.