Nikki Gil on why Billy Crawford is not pushing through with his UK trip this January to continue his international career: "Marami kasing magaganap na mga things dito, so he has to be here for that... Pareho, masaya dahil siyempre 'di pa siya aalis. Pero, malungkot dahil aalis pa rin naman siya."

Photo: Allan Sancon

Sa katapusan ng Enero 2012 ang dating planong paglipad ni Billy Crawford papuntang United Kingdom para haraping muli ang kanyang international singing career.

Pero nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki Gil, ang girlfriend ni Billy, noong Linggo, January 15, sa set ng ASAP 2012, sinabi ni Nikki na hindi muna lilipad si Billy papuntang U.K.

Ayon kay Nikki, malamang daw ay sa kalagitnaan na ng 2012 aalis ang kanyang boyfriend.

"Sa akin, ganun pa rin naman, aalis pa rin naman siya, di ba?

"Na-delay lang ng kaunti, pero aalis pa rin siya. 

"Ganun talaga, trabaho 'yan. Siyempre kaunting time for me kasi na-delay nang kaunti.

"Pero timing kasi is everything. 

"Marami kasing magaganap na mga things dito, so he has to be here for that."

Nang tanungin kung masaya siya o malungkot sa di pag-alis ngayong buwan ni Billy, sabi ni Nikki: "Pareho, masaya dahil siyempre 'di pa siya aalis. Pero, malungkot dahil aalis pa rin naman siya."

Noong una, naipahayag ni Nikki na may kaba siya sakaling mauwi sa isang long-distance relationship ang kanilang samahan ni Billy.

Pero iba na raw sa kasalukuyan.

"Siguro sa ngayon, hindi na. Mas  kumportable na kami. Mas stable na, magpo-four years na kami.

"Siguro naman kakayanin na namin yun. Malungkot more than anything else.

"Ang kinatatakutan ko ay malungkot [ako] kasi alam natin 'yan.

"Kuwento 'yan ng mga pamilya natin na nagtatrabaho sa ibang bansa.