celeb

Coco Martin recalls his roots and gives back; misses doing indie films

by Rose Garcia posted on November 16, 2011  STATS: 355 Views | 12 Comments

 

"Nagsimula rin naman ako sa wala, nagsimula rin ako sa mga taong hindi sa akin naniniwala. Pero sa pagpupursigi at pagtitiyaga, yung mga taong dating hindi naniniwala at hindi naman bilib, ngayon, dumarating ang point na, 'Magaling ka naman palang umarte, marunong ka naman pala.' Siyempre, hindi naman lahat ng tao mapapabilib mo. Pero ngayon, natutuwa lang ako," says Coco Martin.

Photo By: Allan Sancon

Noong November 1 ay nagdiwang ng kanyang 30th birthday ang isa sa pinakaimportanteng male stars ngayon ng Kapamilya network—si Coco Martin.

Pero dahil na rin sa sobrang kaaabalahan ng aktor, kahapon, November 15, lang natuloy ang kanyang birthday press conference.

Ginanap ito sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon city.

Matagal na raw itong pinaplano ni Coco at ng kanyang manager na si Biboy Arboleda para sa ilang miyembro ng entertainment press.

COCO'S SUCCESS STORY. Hindi naman lingid sa lahat na isa si Coco sa maituturing na success stories sa showbiz.

Nagsimula sa paglabas-labas sa indie films, heto't kinikilala na siya hindi lamang bilang Prince of Indie Films kundi bilang King of Teleserye ng ABS-CBN.

Bukod sa acting awards na napanalunan na ni Coco sa iba't ibang award-giving bodies, naitaas ni Coco ang kanyang antas bilang isa sa pinagkakatiwalaang endorsers ngayon.

Nang sabihin ng press sa kanya na marami na siyang naungusan sa hanay ng male stars sa Kapamilya network, halatang nahihiya pa rin si Coco kapag nakakarinig ng mga direktang papuri.

"Grabe rin naman po kasi ang pinagdaanan ko sa showbiz," nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman po ako sumali sa isang popularity contest and then nanalo.

"Dumaan din po ako sa butas ng karayom.

"Lahat ng masasakit na salita, lahat ng mga panlalait, rejections, naranasan ko pong lahat yun.

"Pero sabi ko nga, hindi ko ginagawang baggage yun sa akin. Ginagawa ko pong inspiration yun.

"Kaya ngayon, lahat po ng mga dumarating na blessing sa akin, naa-appreciate ko.

"Kasi, alam ko kung paano ko pinaghirapan yun kung nasaan man ako ngayon, or kung anuman ang mga blessing na dumarating sa akin ngayon. 

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  kilabotako

    11/18/2011 | 12:31 AM
    ok lang gumawa ng indei movies now,kahit sikat na sya,,pero may limitasyon na,,hindi gaya mga hubarang walang kwenta na gay role lagi,,ewwwww,,.bawal na sya sa ganun,,respeto naman sa estado niya now,diba,,,may mga batang fans na sya,,,sakamagaling syang umarte kase kaya napansin at may star apil din naman,,hes simple,humble at mabuting tao pa,,god bless him a lot,,,wag lang nyang kalimutan ang anak niya kay katherine luna,,iwas arma at isyu,,,maging ama sya dun,,,para walang amsabi diba,,,we love him,,sana makasama niya si KRISTINE HERMOSA-SOTTO,,MARIAN RIVERA,CARLA ABELANA,NINA JOSE,,NADINE SAMONTE,,etc,sa mga works niya,,stay rela at nice coco,,stay wid god din,,sya lang ang nakatulong sayo,,at wag pasisira..just work decenltly at profesionally,magipon,,magpundar,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  cocodhe

    11/17/2011 | 02:32 PM
    sana gawa ka ulit ng indie films..gustong gusto ko mga roles mo dun eh..napaka-natural mo..luv u coco..muaah muaah tsup tsup.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  bhengot

    11/16/2011 | 06:28 PM
    kung pangit si Coco wala ng pogi sa mundo. meron talagang mga taong duling ha ha ha. Go Coco but I don't like you hairstyle, I want the Alexnder look.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lani0221

    11/16/2011 | 06:09 PM
    my loyalty is to Coco Martin no matter what.i like his humility and simplicity. His natural acting skills makes him one of the best in his generation.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chevalier

    11/16/2011 | 05:50 PM
    Coco Martin is making history as an actor. With films like KINATAY,SERBIS,TIRADOR,JAY,MASAHISTA and NOY among others, sya ang may pinakamaraming nagawang quality films na panlaban sa mga awards. Although hindi pa siya box office star, he can easily put to shame all other good actors regardless if they are Kapamilya or Kapuso. No wonder he has 2 URIAN awards including actor of the decade award.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diwani

    11/16/2011 | 05:41 PM
    hai coco msta n po anak nyu n Katleen LUna yung babaeng bida s Ang Babae S Breakwater n nnlong Awardsang show s foreign countyr. ilan taon n po anak nyu.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • fanmo

    11/16/2011 | 04:00 PM
    sana ibalik mo ang dati mong buhok, mukhang boy next door, jan sa buhok mo ngayon para kang addict, palitan mo, wag kang mahiya or ibalik mo ang dati .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • TigerPack

    11/16/2011 | 03:31 PM
    ang pangit niya,un lang
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    11/16/2011 | 03:30 PM
    parang napaka lalim ng personality ni coco. it transpires in his acting.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • EmmyAngels

    11/16/2011 | 03:26 PM
    Abangan siya sa WALANG HANGGAN with powerhouse casts Julia Montes, Paulo Avelino, Richard-Dawn, and Susan Roces. Habang sa Kamuning naman naghahanda rin sila ng kanilang power-power magic-magic eng-eng Banodrama sa Telebaba! Pls Iglot Part2 nalang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • haroku

    11/16/2011 | 03:22 PM
    coco na gatas.. gatas na coco YUMMY talaga.. ang sarap ulamin..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • crazybru

    11/16/2011 | 03:10 PM
    go, coco, pinakamagaling ka sa mga male stars ngayon. Kelan ang next soap mo sa abs? Sana meron agad. Aabangan ko yun.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About