celeb

Daiana Menezes treats fans and friends to a party; plans to spend summer in Brazil

by Rommel R. Llanes posted on May 11, 2012  STATS: 1804 Views | 6 Comments

Brazilian model turned TV personality Daiana Menezes treated her friends last Saturday, March 17. "I'd rather call them friends and supporters. Mga taong parang palagi namang nandoon para sa akin since nung nagsimula pa ako," the 24-year-old Brazilian said about her fans.

Photo By: Melo Balingit

Taun-taon ay itini-treat ni Daiana Menezes ang kanyang fans sa isang party bilang pasasalamat sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga ito.

"Pero I'd rather call them friends and supporters. Mga taong parang palagi namang nandoon para sa akin since nung nagsimula pa ako," sabi ng 24-year-old Brazilian model turned TV personality nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang fans' day sa Baliwag Lechon Manok Restaurant sa E. Rodriguez Ave., nung Sabado, Marso 17.

Sa limang taon nang pamamalagi ni Daiana sa Pilipinas, nakabuo na siya ng pakikipagkaibigan sa mga taong nakikilala niya sa iba't ibang programang kinabilangan niya, lalo na sa Eat Bulaga!

Sa kabila ng pagiging maganda at sexy ni Daiana na mas umaapila sa mga kalalakihan, may mga humahanga rin sa dalagang tubong-Cataguases Minas Gerais, Brazil, mula sa iba't ibang kasarian, edad, at estado.  

"Meron din na mga bata, meron na mga matatanda na, may mga tao na palaging nasa audience ng Eat Bulaga!, meron din yung mga ginagawa nang mga 'fans club,' the way we call it na."

Ilan nga raw sa mga nabuo nang fans club niya ay ang The Orig Daianatics, Daianaholics, at ang Daianatictwo.   

Kahit na taun-taon siyang nagpa-party para sa kanyang mga tagahanga, wala naman daw fixed date para rito.

Pero katulad ng laging ginagawa ni Daiana sa kanyang fans day, mula pa noong 2010, nagsasama siya ng mga taong hindi masyadong nakakaangat sa buhay para mapasaya ang mga ito.

"Yung mga less-fortunate sinama ko rin sila, together with their kids.

"Para lahat na, kumakain. Meron kaming mga games. Meron kaming mga T-shirt na ibinibigay.

"Yung mga... alam mo yun? Kung ano ang mga puwede naming ibigay."

SHARING BLESSINGS. Pero pagdidiin ni Daiana, kahit na may kurot sa puso niya ang mga taong lumalapit at humihingi ng tulong kanya, nakikinig din naman siya sa mga taong nagbababala na huwag masyadong mabait at mapagbigay.

Kumbaga, yung kaya lang niya ang dapat niyang ibigay.

"Whenever they ask me, whenever they approach me, as much as possible, I try to give them something.

"And at the same time, show them na, whenever you're right [there] on TV, you're also earning for what you're doing.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • pumpkin_pie

    05/13/2012 | 04:05 PM
    wow! she's pretty :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flipflops123456

    05/12/2012 | 08:39 AM
    SYA LANG YATA ANG NAGPAPA PARTY SA MGA FANS.YUNG TALAGANG TUNAY NA PINOY PINAY ACTRESS. WALAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!...................
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Joseth

    03/20/2012 | 03:39 PM
    Go Go Go Diana, WE love and support you all the way. God bless.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    03/20/2012 | 02:17 AM
    sino kaya ang benefactor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dikit007

    03/19/2012 | 10:22 PM
    Iba talaga si Diana ang bait at talagang pusong pinay na siya. Dont you worry about your lovelife, God will give it to you in God's time. Thank you Diana for loving our country.. Take care...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Space_Ace

    03/19/2012 | 10:10 PM
    ang bait talaga ni daina, kahit cya brazilian may pusong pinay cya. God bless u Daiana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About