Pagkatapos ng Junior MasterChef Pinoy Edition, ang reality show ng ABS-CBN, may mga nakaplano nang projects si Judy Ann Santos.
Isa na rito ang pagre-release at pagpu-produce ng video niya at ang mga pelikula niya katambal sina Coco Martin at John Lloyd Cruz.
Kuwento ni Juday sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Yung movie with Coco, supposedly sisimulan namin early this year.
"Kaso, ang dami rin ginagawa ni bagets. 'Tapos, nag-finals din ako ng Junior MasterChef.
"Relax muna. Tingnan natin. Siguro bago mag-school year, magawa na namin.
"Ngayon, may isang araw pa ako kay Direk Joey [Reyes] sa Mga Mumunting Lihim [intended for Cinemalaya].
"May talks na movie with John Lloyd Cruz, pero hindi ko alam kung mangyayari lahat 'yan sa loob ng isang taon.
"But most definitely, Master Chef will push through.
"Kasi nga, ang hirap. Hindi na ako puwedeng kagaya noong dalaga ako na puwede akong sa kalsada na lang natutulog at sa set ako naliligo. Okay lang yun.
"Ngayon kasi, ibang istorya na.
"Ibang chapter na ito ng buhay ko na, siyempre, ite-take into consideration mo na rin yung kapag wala ka sa bahay ng isang araw, may mga bagay ka na hindi makikita o mababantayan sa mga bata.
"Hindi mo puwedeng ipa-rewind yun sa mga kasama mo sa bahay at paki-rewind nga.
"Ang sakit ng ganoong feeling, e," saad ng aktres na may dalawa nang anak.
BASHERS ON TWITTER. Hindi rin nakaligtas si Judy Ann na matanong tungkol sa Twitter issues. Dumadami kasi ngayon ang mga artista na nagiging kontrobersiyal dahil sa Twitter.
Isa na nga rito ang Megastar na si Sharon Cuneta, na kilalang malapit na kaibigan ni Juday.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
45 sheryl_rose
44 majorelion
43 sweetum
42 DamonSalvatore143
41 chikorita_pikachu
40 winged_angel
39 angelafrica18
38 MissHugoBacungan
37 hkmutya
36 zabeth58
35 puckerlips143
34 dorsantiago
33 dorsantiago
32 doublestar
31 angelafrica18
30 ClawClown
29 ClawClown
28 slickchick02
27 DamonSalvatore143
26 happygolucky
more comments