celeb

Nora Aunor reunites with her loyal fans; flies to Tawi-Tawi for movie with Brillante Mendoza

by William R. Reyes posted on May 11, 2012  STATS: 892 Views | 17 Comments

Nora Aunor's message to her fans: “Sa mga fans na narito, hindi man tayo nagkikita [nang madalas], pero ang aking puso, ang aking isip, at ang aking kaluluwa, ay nasa tabi ninyo. ’Yan ang pinakaimportante sa lahat—puso! At habang nandiyan kayo, mas lalong lalakas ang loob ko, mas lalo akong magkakaroon ng lakas ng loob. Thank you po. Mahal na mahal ko po kayo!"

Photo By: William R. Reyes

Matagumpay ang idinaos na reunion/get-together ng mga aktibong tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor kahapon, April 9, sa Aberdeen Court, Quezon City.

Dinaluhan mismo ni Ate Guy ang naturang pagdiriwang.

Ang paghahanda ay pinagtulung-tulungan ng mga opisyales at miyembro ng iba't ibang hukbo ng tagahanga o fans clubs ng singer-actress sa pangunguna nina Albert Sunga at Edgar Castro—'tulad ng GANAP (Grand Alliance of Nora Aunor Philippines), ICON (International Circle of Online Noranians), at Federation of Nora Aunor Followers.

Ang mga samahang ito ng Nora supporters ay nasa iisang malaking samahan na ngayon—pinangalanang Noranians Worldwide (NOW).

Nostalgic ang pagtitipon na ang mga pinabonggang production numbers ay isinagawa sa saliw ng mga nag-hit na awitin o recordings na pinagkakilanlan kay Nora—‘tulad ng “Handog,” “Bongga Ka Day,” “Annie Batungbakal,” at “Pearly Shells.”

Dumalo rin sina Perci Intalan, creative and entertainment head ng TV5; Joanne Banaga, TV5 unit head; ang premyadong screenwriter na si Ricky Lee; actor Edgar Allan Guzman; Boy Palma, Nora's personal manager; Noel Ferrer, TV5 creative consultant at ngayo'y opisyal na ring handler ni Ate Guy para sa TV5); Glenda Kennedy, kaibigan ni Nora; at ang buong pamilya ni Matet de Leon (husband Mickey Estrada and kids, Mikka and Mishka) with Ate Guy's Yaya Amy. 

Towards the closing ay dumating si John Rendez, Nora's partner, bilang pagsuporta and to fetch the Superstar.

Naroon din ang mga pinakabata at pinakamatatandang fans ni Nora; ang oldest ay si Aling Ester Estrella, 102 taong gulang, na nakakalakad at matalas pa rin ang memorya at matatas magsalita.

NORANIANS WORLDWIDE (NOW). Bukod sa kasayahan, contest at raffle draws, ang okasyon ay opisyal na paghahayag ng pagiging SEC-registered umbrella organization ng NOW o Noranians Worldwide.

Si Nora mismo ang opisyal na nag-announce ng pinakahuling kaganapang ito sa kanyang pagbibigay-mensahe sa program closing.

Aniya, ang pagbabalik-aktibo ng naturang hukbo ng tagahanga, bilang isang umbrella organization called NOW o Noranians Worldwide, ay isang samahan.

Saad ng Superstar, "Kung saan lahat ng mga fans na nagmamahal at sumusuporta sa akin, sa buong Pilipinas man o sa ibang bansa, ay mabubuo na parang iisang pamilya. Magkakapatid na nagtutulungan, nagdadamayan, at nagkakaisa."

Naisatinig ni Ate Guy ang adhikaing ito bilang malaon na niyang plano bago pa siya magbalik sa bansa at aktibong pagganap noong isang taon—at ngayon ang katuparan nito.

"Ang pagtitipon pong ito ay isa sa mga matagal ko nang pangarap," ayon pa kay Ate Guy.

"Noong araw, para lamang mairaos ang anibersaryo ko at magkasama-sama tayong lahat, nag-aambag-ambag kayo para mairaos ang party.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  superstar_ng_buhay_ko

    04/13/2012 | 10:15 PM
    Tama lahat ng artista darating sa pagtanda nila pero naiiba si AG kahit dumating na sya duon nanduon pa rin ang kinang nya. Kahit ang mga batang artista ngayon na sinasabing sikat daw di nilla nalagpasan man ni katiting ang narating at ang makulay na daigdig ni Nora. Ang mga pelikula ni AG nasa pag-aaral ng mga kritiko di lang dito sa pinas pati na rin sa ibang bansa. May iba pa ba kayong artista na katulad ni AG, please educate me maybe may nakalimutan ako pero wala na yata akong ibang pangalan na puedeng banggitin. Peace to all!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  CmonTryMe

    04/12/2012 | 11:33 AM
    Excited that both Nora and Vilma, the true movie queens of Philippine Cinema, both have movies coming up. I hope Brillante Mendoza is able to undo Nora's acting tics na nakuha niya kay Lamangan, the style that impersonators mock and exaggerate. Miss the rawness and sheer understated acting style of La Aunor in Bona, Himala, and even Condemned and Bulaklak ng City Jail. Our younger actors have a lot to learn from these movie legends. Glad that Nora is back! This Aunor and Mendoza collaboration is certainly exciting! Can't wait!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  alvase

    04/11/2012 | 08:46 PM
    kaabang-abang naman ito...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  henrick2006

    04/11/2012 | 05:25 PM
    Glad to know Nora Aunor is active again doing what she does best...more power!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  marakesh

    04/11/2012 | 03:10 PM
    Things are going well for the Superstar. All the best! Panonoorin ko yang movie na The Womb Uge as Bona, kaabang-abang :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  ike

    04/11/2012 | 01:50 PM
    This is good news. Congrats Ate Guy and to her fans!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  lotwina

    04/11/2012 | 12:57 PM
    talong talo talaga ni nora si vilma, milya milya ang agwat, si vilma parang retired na nasa kangkungan na lang ngayon, nakanganga habang nakatanaw sa taal. bwahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  lotwina

    04/11/2012 | 12:53 PM
    siguradong magiging international best actress na naman si ate guy sa thy womb.. at mailalampaso na naman nya si vilma nyan. ahahaa
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    04/11/2012 | 11:38 AM
    ano bang klaseng babaeng ito kahit magsuot ng punit, gusotgusot, kupAs na tshirt,walang makeUP, pero SUPERSTAR pa rin ang dating. Di tulad ng iba dyan kahit anong melagro ang gagawin sa katawan nila, branded na gown, signature bag and shoes, wala pa ring dating....Gusto nyo magbanggit ako ng mga pangalan....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    04/11/2012 | 01:56 AM
    saw again bakit bughaw ang langit?, wow for the film and the performances. yan ang pelikula. yan ang mga pagganap. hindi yung mga napanuod ko sa in the name of love. walang-wala sa kalingkingan. far from being phenomenal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • cinelamour

    04/11/2012 | 01:51 AM
    wow. the womb. yan ang pelikula dapat abangan. morena powers pala ito. nora, lovi at mercedes.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • yunikrose

    04/10/2012 | 09:12 PM
    all the best AG !!!we love you....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jagjof

    04/10/2012 | 07:51 PM
    ito ang pwedeng maging klasiko.......kahit na vilmanian ako, tyak na hindi ko papalagpasin na bumili ng DVD nito. paborito kong direktor si brillante, napaka-galing. siya ang pwedeng pumalit sa trono ni lino brocka, ismhael bernal at mike de leon....hindi ang trying hard na si joel lamangan na wala pa atang matinong pelikulang nagawa..........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ohmyateguy

    04/10/2012 | 07:16 PM
    Casual attire, sans make-up and yet exudes the aura of a Superstar. Walang ka-effort effort. Walang kaere-ere. Wala ring pinipili ang sincere hugs and kisses for her loyal and loving fans. Walang kapantay!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ohmyateguy

    04/10/2012 | 07:04 PM
    No other star treats the fans the way you do. Thank you Ate Guy. We love you po. We will be praying for the success of all your projects. All the best for THY WOMB!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • utotngpinoy

    04/10/2012 | 03:55 PM
    Nora-Brilliante-Thy Womb , wow! ibang level na naman siguro ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • thirstytrooper

    04/10/2012 | 03:33 PM
    Wala ka talagang kapanatay Ms. Nora Aunor! Excited kami sa mga proyekto mo, lalo na sa thy womb sa ilalim ng direktor kapwa mo henyo sa larangan ng pelikula na si Direk Brillante! Isa na naman itong pelikula na magbibigay karangalan sa bansa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About