Bianca King on turning 27: "Ito na ang pinakamasaya kong birthday. Kasi okey ang takbo ng buhay ko at maayos lahat. Maraming blessings na dumating sa akin talaga."

 

Photo: Monching Jaramillo

Sumakto mismo ang 27th birthday ni Bianca King sa birthday celebration ng mga Kapuso Stars sa Party Pilipinas kahapon, March 18.

Kasabay niyang nagdiwang ng kaarawan sa musical-variety show ng GMA-7 sina Jaya, Aljur Abrenica, Geoff Eigenmann, at Rocco Nacino.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa Studio 7 ng GMA Network Center, tinanong namin siya kung ano plano niya pagkatapos ng celebration sa show.

"Wala akong anumang plano para sa birthday ko," sagot ng young actress.

"Ano lang... gusto ko lang magpahinga, kumuha ng sapat na tulog. 

"Kasi sobrang hectic ang schedule ko lately.

"So, makatulog lang ako nang maayos, masaya na ako.

"Wala naman akong ini-expect na gift o anuman. 

"Pero masaya talaga ako ngayon.

"Ito na ang pinakamasaya kong birthday.

"Kasi okey ang takbo ng buhay ko at maayos lahat. 

"Maraming blessings na dumating sa akin talaga."

DANCE SHOW. Ano naman ang kanyang birthday wish? 

"May nagtanong na sa akin niyan... wala akong maisip na isagot. 

"Kasi totoo naman na masaya ako at kuntento at this point.