celeb

Bela Padilla on entertaining suitors: "Parang hindi ako masyadong kinikilig ngayon.”

by Ruben Marasigan posted on June 21, 2012  STATS: 2657 Views | 11 Comments

“Next time kung magkakaroon ulit ako ng boyfriend, gusto ko, siya na talaga. Actually, iyon naman talaga ang iniisip ko from the start—gusto ko kung sino ‘yong boyfriend ko, iyon na talaga until the end. Ayoko ng palit nang palit ng boyfriend. Ayoko na sabihin ng mga tao, ‘Nai-date ng lahat ‘yan!’ Ayoko ng gano’n. Naghihintay ako ng right person. Ayoko no’ng… parang lahat na lang, naging boyfriend ko," says Bela Padilla.

Photo By: Melo Balingit

Magtatapos na ang panghapong serye ng GMA-7 na Hiram Na Puso, kung saan gumaganap si Bela Padilla bilang ipina-ampon na twin sister ng bida ritong si Kris Bernal. 

Hindi pa raw alam ng dalaga kung ano ang susunod niyang project. Wala pa raw sinasabi sa kanya ang Kapuso Network.

“Kasi matagal pa naman. Hanggang June pa naman ‘yon kaya siguro wala pang nababanggit sa akin,” pahayag ni Bela nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, May 27.

JOINING A BEAUTY PAGEANT. Nangiti si Bela nang punahin ang mas sumeksi pa niyang katawan bukod sa maputi at flawless niyang balat. 

Maiksing maong shorts kasi ang suot niya na katerrno ang isang very revealing tops na labas ang kanyang tiyan. Iyon daw ang costume nila sa kanilang production number.

        

Sinasadya ba niyang magpa-sexy nang husto dahil sa napapabalitang plano niyang pagsali ng beauty contest?

“Kung sasali ako, siguro next year na po. Kasi parang marami namang magagandang nangyayari sa career ko this year.

“Meron akong lumabas na endorsements. So, gusto ko munang mag-focus do’n. Kung paano ko sila mapu-promote nang tama.”

If ever, saang beauty pageant ba niya pinaplanong sumali?

“Ang dream ko talaga, sa Binibining Pilipinas.

“Pero hindi ko alam sa ngayon kung saan ako nababagay. Hindi ko pa napi-feel talaga.”

Pero pinaghahandaan na nga niya?

“Yesss! Hindi… joke lang!” sabay tawa niya.

NO BOYFRIEND. Kapansin-pansing blooming din ang kanyang beauty. May boyfriend na ba ulit siya?

“I don’t have a boyfriend!” nangiti niyang tanggi. 

“Wala po. Wala talaga.”

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  shikka

    05/28/2012 | 04:23 PM
    I suggest that instead na inuna ung front nya should have been the eyes...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  shikka

    05/28/2012 | 04:22 PM
    Another thank you dok. Ano ba kayo puro kayo salamat dok pero proud na proud kayo ha! hays
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ClawClown

    05/28/2012 | 01:51 PM
    Mukhang beauty and brains etong si Bela, she also writes for Manila Bulletin pala. Pero malayong manalo siya sa beauty pageants kasi 5'6 is not tall enough. 5'8 pataas ang mas may pag-asa. Good luck na lang kung tutuloy sa pagsali, meron namang special awards doon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    05/28/2012 | 01:08 PM
    i like her... i like her performance in hiram na puso.. simpleng kontrabida lang.... hindi kailangan magtaas ng boses... kontrabida na kakaawaan mo.... good start for you bella....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    05/28/2012 | 12:58 PM
    maganda si bella maganda din marian yun lang...kayo talaga nagtatanim ng galit tapos na yung issue sa kanila ni marian kaya move on na kayo mga haters........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapalmilyaks

    05/28/2012 | 12:22 PM
    I love marian yung lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • FusionHan

    05/28/2012 | 12:15 PM
    Bukas pag gising ko, puno na ito ng mga comments about Marian-Bela kahit wala naman sa article ang old issue nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • FusionHan

    05/28/2012 | 12:13 PM
    Mas maganda pa rin si Angelica P. sa iyo, yun lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kansilay

    05/28/2012 | 12:11 PM
    Salamat po DOC! ang layo na ng before and after ng itsura nito! Lolz...try and try dw cia modelling ang acting, pose kna lng ulit sa FHM pra may career ka! I observerd lahat ng interview nya kailangan ksama si tito Robin at tita BB, pra kunyari close! Lolz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/28/2012 | 11:41 AM
    di ka rin naman kakilig kilig eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    05/28/2012 | 11:35 AM
    maya maya lang aatake na ang mga alagad ni marian na nagkulong kay bela sa banyo! hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About