celeb

Sheena Halili denies pregnancy rumors; says it's Katrina Halili who's expecting, not her

by Glen P. Sibonga posted on June 27, 2012  STATS: 3541 Views | 13 Comments

How did the pregnancy rumors start? Sheena Halili says she was spotted eating green mangoes and bagoong on the set of her sitcom and people simply jumped to conclusions. Another possibility is she is often mistaken for her namesake, Katrina Halili, who's now pregnant.

Photo By: Noel Orsal

Mariing pinabulaanan ng Kapuso actress na si Sheena Halili na nagdadalang-tao siya sa kanyang live guest appearance sa showbiz talk show ng GMA-7, ang Startalk TX, kahapon, June 2, 2012.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay lumabas sa mga pahayagan ang balita tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni Sheena. At ang itinuturo umanong ama ng baby ay ang rumored boyfriend nitong si Rocco Nacino.

Kaya naman binigyang-linaw na ito ng aktres sa Startalk nang interbyuhin siya ng mga host na sina Joey de Leon at Lolit Solis.

Nagbiro pa nga si Sheena habang naglalakad papalapit kina Joey at Lolit. Tinanggal niya ang high heels niya at naglakad nang naka-paa dahil aniya, masama raw sa buntis ang nakamataas na takong.

Pagkaupo ni Sheena ay agad siyang tinanong ni Joey kung buntis nga ba siya?

“Hindi po, hindi po, hindi, hindi,” paulit-ulit na tanggi ni Sheena.

Komento naman ni Lolit, “Palagay ko naman hindi siya buntis dahil ganyan nga kaganda ang katawan.”

Biro naman ni Joey, “Ang totoo po mga kaibigan, kapapanganak lang ni Sheena.”

Bagay na tinawanan na lang ni Sheena.

MISTAKEN FOR  KATRINA. Bakit nga ba kumalat ang buntis isyu na ito?

“Hindi ko rin po alam. Basta tinanong ako ng Artist Center about sa isyu na ito Wednesday [May 30].

"Nuong Tuesday [May 29] kasi, galing ako sa taping ng Tweets [for my Sweet] ang bagong GMA-7 sitcom.

“Sa taping, kumain lang ako ng mangga at saka bagoong. So, pag kumain ng mangga, baka ganun na yun. Baka naisipan akong ganun [buntis].”

Sa kaugaliang Pinoy kasi ay mahilig daw sa pagkain ng mangga at bagoong ang mga babaeng buntis.

Sapantaha naman ni Joey baka nagkalituhan lang sa pagitan ni Sheena at ng isa pang Kapuso actress na si Katrina Halili, na totoong buntis ngayon.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  purplebaguiocats

    06/04/2012 | 11:04 AM
    Obvious namang mabait na bata si sheena, hindi sya naimpluwensyahan ng masyadong liberated na mundo ng showbiz. Bukambibig nya si Lord at mga magulang nya kaya like na like ko sya. No wonder maraming blessings ang natatanggap nya,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Speed_OfLight

    06/03/2012 | 11:42 PM
    expect naming ma ba-ban ka ulit ni Webmaster.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Speed_OfLight

    06/03/2012 | 11:03 PM
    "where there's smoke, there's fire". idiom po yan, idiot na brainful.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  chikorita_pikachu

    06/03/2012 | 10:54 PM
    lol! copy and paste... at iambrainf00l... if u are talking one thing in general and b4 all words that begin with consonants u use -a-..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/03/2012 | 10:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/03/2012 | 08:16 PM
    If there is smoke.. there is fire,------- lol!!!! npatawa mo ako ng bonggang-bongga, at iambrainf000L........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/03/2012 | 08:14 PM
    3 iam_brainful-------correct nga ang spelling mo... MALI-MALI nmn ang GRAMMAR mo.. World Class ka nga... hahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    06/03/2012 | 07:00 PM
    iam_brainful 06/03/2012 | 05:39 PM hmmm Letīs see.. trending pa naman yang buntisan sa GMA7. If there is smoke, there is fire. Yayyy, perfect spelling!!! -------------- oo nga trending sa GMA ang buntisan issue.... pa-trending ng mga kapams na gaya mo... hahaahhaa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • coolet_06

    06/03/2012 | 06:57 PM
    hahaha.... kaugali ni brainful yung reporter na nagtsismis... baka kamag-anak ni brainful.... whahahhahahaaa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Speed_OfLight

    06/03/2012 | 06:17 PM
    hulog talaga ng langit si brianful. di sya tinaggap dun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/03/2012 | 05:39 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/03/2012 | 05:33 PM
    haha kakatawa ang mga reporters.. kung hindi nila nirereport ano naman ang alam ng publiko kung anong kinakain niya? at kung lahat ng babaeng kumakain ng manggang hilaw ay buntis, can you imagine? mapupuno ng buntis ang pinas, haha kakatawa lang talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamskoo

    06/03/2012 | 05:29 PM
    ISA SIYA sa hinahangaan ko maganda, maaling na artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About