Inasahan ng media na sa launching ni Vice Ganda bilang Belo endorser nuong Miyerkules, March 7, sa Annabel's ay haharap at makaka-usap nila si Dra. Vicki Belo.
Gusto sana nila ma-interview at mahingan ng pahayag ang cosmetic surgeon to the stars pagkatapos ng kontrobersyal na breakup nila ni Hayden Kho.
Nabigo ang lahat dahil ang anak nitong si Cristalle Henares ang humarap sa press at pormal na nagpakilala kay Vice bilang bagong kapamilya ng Belo.
"My mom is currently in Germany. Meron siyang kasama sa Germany for stem cell research and yung VIP na kasama niya is only available at this stage.
"E, noon pa dapat may presscon si Vice pero minove naman; ayaw namin na i-move uli so sabi niya, 'Cristalle kaya mo na 'yan.'"
Kinumusta namin kay Cristalle ang ina at ang suporta na binibigay niya dito ngayong mabigat ang pinagdaraanan nito after her breakup with Hayden Kho Jr.
"Bilang anak I'm just here for her. Siyempre lahat ng tao tinatanong sa akin, maligaya ka na ba [na hiwalay na si Hayden at Dra. Vicki]?
"Siyempre hindi naman ako maligaya na nakikita ko yung Mommy ko umiiyak.
"Siyempre nasasaktan siya, miss pa rin niya and I can understand that.
"You know it's not easy to break up with someone you've been with for five years.
"And in fairness to the guy, napasaya niya talaga si Mommy. All I can do is to be there for her.
"I give her love, I hug her, gumagawa kami ng mga activities, magta-travel kami—that's my way of being there for her."
Deretsahang tinanong namin si Cristalle kung wala ba siyang sama ng loob kay Hayden. Sobra daw nitong nasaktan ang ina na hanggang ngayon ay iniinda pa rin nito.
"Ako, I just want my Mom to be respected.
"Of course, I appreciate what he has done to make her happy but at the same time, I really feel that he didn't have to put her through this.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
13 halabira
12 milomilo123
11 marchioness
10 ogagikaw
9 matty29
8 ogagikaw
7 neophyte
6 manangdi
5 Americangirl
4 aeonflux82
3 milomilo123
2 malaya2007
1 agusanonko