celeb

Gerald Anderson and Rayver Cruz play basketball for a cause

by Glen P. Sibonga posted on July 20, 2012  STATS: 5270 Views | 2 Comments

Ipinagdiwang ni Congressman Sonny Angara (second from right) ang kanyang 40th birthday sa pamamagitan ng isang ball game, na sinalihan nina (from left) Fred Payawan, Rayver Cruz at Gerald Anderson.

Photo By: Glenn Sibonga

Nagkasama ang Kapamilya stars at magkaibigang sina Gerald Anderson at Rayver Cruz  sa isang basketball game for charity, na inorganisa ni Aurora Congressman Juan Edgardo “Sonny” Angara sa Manila Boys Town Complex sa Parang, Marikina, noong July 14.

Bahagi ito ng selebrasyon para sa ika-40 na kaarawan ng pulitiko noong July 15.

Bukod kina Gerald at Rayver, kasama rin nilang naglaro sina Fred Payawan, Young JV, Joe Vargas, at iba pa nilang kabarkada, kabilang ang kapatid ni Gerald na si Kenneth Alex Anderson.

Nakalaban nila ang team ni Congressman Angara na kinabibilangan naman ng mga kabataan ng Boys Town.

FOR A CAUSE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Gerald, Rayver, at Fred pagkatapos ng ball game, kung saan tinalo sila ng kabilang koponan. 

Ang nakangiting sabi ni Gerald, “Nakakatuwa, di ba? Kumbaga sanay kami na nagba-basketball kami pero iba yung… mas fulfilling pag ganito yung ginagawa namin for them.

"Yun nga, kahit konting saya yung nakuha nila sa amin, kahit naglaro kami ng sandali lang, sobrang nakakatuwa, sobrang fulfilling.

"Actually, noong in-invite ako at sinabing Boys Town at maglalaro kami kasama ng mga bata, um-oo agad ako.

"Sabi ko nga sa kanila, ‘Hey, punta na tayo doon. Makipaglaro tayo sa mga bata.’ Happy din ako na kasama ko si Rayver, ang kapatid ko, at saka lahat ng mga kaibigan namin.”

Dagdag naman ni Rayver, “Sobrang enjoy lalo na pag nakikita mo na nag-e-enjoy yung mga bata. Ang sarap sa pakiramdam.

"Siyempre happy kaming mga artista na nagiging inspirasyon kami sa mga kabataan, kami nina Gerald.

"Kasi in our own way, nakakatulong kami sa kids na nandito sa Boys Town at saka sa iba pa na natutuwa pag nakikita kami.”

Masaya naman si Fred dahil naimbitahan siya sa nasabing charity game.

Aniya, “Masaya kami na nandito kami now, especially sa birthday ni Congressman Angara. He’s doing a noble job celebrating his birthday with the kids. On our part we’re happy na na-invite kami to be a part of this worthy cause.”

A MEANINGFUL BIRTHDAY. Nakausap din ng PEP ang kongresista.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

2 Comments

  • ian15yeah

    07/24/2012 | 06:40 PM
    I love you Ge!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    07/23/2012 | 04:02 AM
    galing ni Sarah, naging boyfriend ang dalawang super hunks nato... lucky girl.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About