celeb

Jose Manalo and Wally Bayola grateful to Dabarkads for success

by Gorgy Rula posted on July 24, 2012  STATS: 2036 Views | 7 Comments

Last Holy Week, Jose Manalo (left) and Wally Bayola (right) were in San Francisco, California, to perform with Dabarkads on Eat Bulaga.

Photo By: Gorgy Rula

Masayang nagbibiruan ang sikat na duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola nang naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Bacoor, Cavite.

May concert ang dalawa sa Alima Elementary School sa Bacoor, Cavite kaugnay sa 44th birthday celebration ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla.

Ganado raw ang dalawa sa pag-perform sa mga ganung free concert dahil iyun daw talaga ang crowd nila na sumusubaybay sa kanila sa Eat Bulaga.

Bukod pa riyan, regalo na rin daw nila iyun kay Lani.

Ilag si Jose kapag tungkol sa kaso nila ni Anna Lyn ang pag-usapan. Kapag tungkol sa kaso, nakikiusap itong huwag na siyang tanungin dahil nasa piskalya na ito at wala siyang kasamang abugado nung mga oras na iyun.

Malaki ang pasasalamat niya sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga dahil nandiyan ang suporta sa kanya, lalo na ang ka-partner niyang si Wally.

“Ang mga Dabarkads lagi naman nandiyan e. Ang suporta hindi nawawala, at nagpapasalamat na rin sa kanila, kasi siyempre sama-sama kami sa show.

“Alam n'yo naman pag nalulungkot ang isa, nararamdaman din naman ng bawat isa. Pero kahit ano pa man, lalo na kami ni Kalbo [tawag kay Wally], kung show, show kami.

"Kung ano mang may dumarating, kailangan, huwag na natin bitbitin sa trabaho, ” pahayag ni Jose.

Hindi naman daw nila gaanong pinag-uusapan ni Wally ang mga problemang hinaharap niya.

“Ang pinag-uusapan lang naman namin, yung kung ano pa ang puwede naming gawin sa show. More on trabaho ang pinag-usapan namin e,” sagot naman ni Wally.

“Alam naman niyang always support ako sa kanya e. Siya ang partner ko e. Basta moral support kahit na anong mangyari.”

PRAYER HELPS. Naniniwala si Jose na lahat naman daw na hinaharap niya sa ngayon ay idadaan na lang sa dasal.

“Kung may mga intriga mang dumarating, binigay ko na sa Kanya lahat iyun.

“Kung ano ang dapat. Kung ano ang ibibigay Niya sa atin, tatanggapin ko na lang. Hindi ka naman Niya bibigyan kung hindi mo makayanan e,” seryosong sagot nito.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • cinelamour

    04/15/2012 | 01:41 AM
    he never said a single bad word against his estapadorang ex-wife.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winklebee

    04/14/2012 | 11:12 PM
    all the best for u jose.. kaya mo yan with the help of the Lord Jesus Christ. Surrender all your problems to HIM.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    04/14/2012 | 09:54 PM
    Jose just pray kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamskoo

    04/14/2012 | 09:25 PM
    goodluck guys hanga ako sa inyong dalawa, napaka talented nyong dalawa. the best kayo. talbog ang kalaban.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    04/14/2012 | 09:21 PM
    As long as your still a good soldier of God, you can never go wrong Jose Manalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    04/14/2012 | 09:20 PM
    Tandaan mo ito Jose Manalo, they can never ,never put a good man down. I know in my heart and to the hearts of your millions of fans na isa kang mabuting tao. Kita yan sa hilatsa ng fez mo. Kaya dont you dare worry, all your fans are behind and praying for you and to EB as well. Super duper malayo pa ang mararating mo as well as your partner Wally together with Paolo. Trio kayong ngpapasaya sa tanghalian ng sambayanan. Just perform your job well Jose.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cyvherpep

    04/14/2012 | 09:04 PM
    go JOWAPAU... di kumpleto ang pananghalian namin if di kami nakakapanood ng EB at juan for all, pinoy henyo tapos babalik na ung mga pa-contest ng EB.... solid dabarkads ako cympre BOSSING ang master JOEY henyo and the rest of the gang.... =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About