celeb

NEWBIE: Benjamin Alves on showbiz comeback: “"Pupunta po ako sa workshops, willing to learn, willing to listen...”

by Nerisa Almo posted on July 28, 2012  STATS: 4992 Views | 4 Comments

Benjamin Alves does not regret leaving showbiz for a while to finish his studies. Says the English major and summa cum laude: “Alam naman natin po na hindi forever ang showbiz. If you’re not be able to use it, basta masabi po nakapagtapos, iba pa rin po. I recommend it.”

Photo By: Noel Orsal

Dalawang taong nawala sa showbiz si Benjamin Alves para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Ayon sa bagong Kapuso actor, pinili niya munang tapusin ang  kursong AB English sa University of Guam bago siya bumalik ng showbiz.

“I think it’s a good experience. Education, I highly recommend it,” sabi ni Benjamin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa pictorial ng Guni-Guni kamakailan.

Hindi naging madali ang pag-aaral para kay Benjamin dahil aniya, “It really requires a lot of focus.”

Gayunman, masaya siya na natapos na niya ito noong Mayo 2012, at siya pa ang naging summa cum laude ng kanilang batch.

Kaya hinihikayat niya ang ibang artista na hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral na ipagpatuloy nila ito.

Katuwiran niya, “[Education] sets them up for a better a life after.

“Alam naman natin po na hindi forever ang showbiz.

“If you’re not be able to use it, basta masabi po nakapagtapos, iba pa rin po. I recommend it.”

Gamit pa noon ang pangalang Vince Saldaña, naging bahagi si Benjamin sa mga pelikulang Ang Cute Ng Ina Mo (2007) at Apat Dapat, Dapat Apat (2007).

Lumabas din siya sa mga TV shows na Closer To Fame sa ABS-CBN; at Posh sa dating QTV 11, na ngayo’y GMA News Channel na.

(CLICK HERE to read related article.)

GOING BACK TO SHOWBIZ. Bagamat naka-focus siya noon sa pag-aaral, hindi naman daw nawala sa isip niya ang showbiz.

Sa katunayan, plano raw talaga niyang magbalik showbiz pagkatapos niya sa kolehiyo.

“Hindi ko rin naman po maiiwasan, e,” sabi niya sa PEP.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

4 Comments

  • flaminghearts21

    08/14/2012 | 10:12 PM
    good luck....may ibubuga naman maging isang prime actor...kaya congrats sa'yo Benjamin...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • violet_blooms06

    08/14/2012 | 06:23 PM
    ngaun ko lang sya nakilalang artista,anong network mo?lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    08/14/2012 | 07:42 AM
    ho hum....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • perlita66

    08/13/2012 | 12:48 PM
    Dong, Pumunta ka pa ng GUAM para mag-aaral ng AB ENGLISH. Five Limang dekada nang kurso yan sa Pilipinas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Uripon
    08/14/2012 | 03:27 PM
    baka mas madali kasi sa Guam kaya doon niya pinili. Kitam with flying colors siya. Kung nag-UP kaya siya ganun din makuha niya?

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About