celeb

Derek Ramsay on doing a movie with Vilma Santos: "Wow! Kung mayroon, go, game ako diyan! Vilma Santos 'yan, one of the best actresses of our time."

by Melba R. Llanera posted on August 4, 2012  STATS: 1788 Views | 21 Comments

Derek Ramsay confirms that he will play in the World Cup of Frisbee in Japan in July. “I think it’s gonna be on July 11-15, that’s the World Cup of Frisbee. We’re representing the country, may practice ako tonight for the Philippine team, and sana we do well when we go be there. After that, tapos na tapos na. It’s taking too much out of my body. It’s really beating me, di ko na kaya."

Photo By: Noel Orsal
 
Sobrang flattered daw ang hunk actor na si Derek Ramsay nang makarating sa kanya ang balitang gusto siyang makatrabaho sa isang pelikula ni Governor Vilma Santos. 
 
 
Na-interview si Derek ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)  noong, Thursday, April 26, sa Annabelle's sa Tomas Morato, Quezon City, para sa pocket presscon na binigay sa kanya ng TV5.
 
 
Dito nagpahayag ang aktor ng kanyang excitement na makapareha ang Star For All Seasons.
 
 
“Wala pang offer, it’s just that I was told she'd love to do a movie with me and I said, 'Wow! Kung mayroon, go, game ako diyan! Vilma Santos 'yan, one of the best actresses of our time.'
 
 
"I watched her movie, Gaano Kadalas ang Minsan, and I watched yung pelikula nila ni John Lloyd and Lucky, yung In My Life.”
 
 
BB GANDANGHARI. Sa isang panayam kay Derek, nasabi rin niyang bukas siyang makatrabaho sa isang proyekto si BB Gandanghari.
 
 
At kung saka-sakali nga raw na magkaroon sila ng kissing scene ay di problema ito sa kanya.
 
 
Ipinaliwanag naman sa amin ng hunk actor na depende pa rin sa tatakbuhin ng istorya at eksena ang magiging desisyon niya.
 
 
“Yah, kung kailangan sa eksena, why not? Kundi naman kailangan, no. Di naman kailangan ng torrid kissing.
 
 
"I’m comfortable with who I am. I know I’m straight and I trust the director and I trust BB. I'd love to work with her. 
 
 
"It doesn’t mean kailangan may kissing scene... Depende yun, I have to analyze the scene, if it’s not needed, bakit pa kailangan?”
 
   
SHARON CUNETA. Nag-guest din si Derek sa isang episode ng bagong show ni Sharon Cuneta sa TV5, ang Sharon: Kasama Mo Kapatid. Ipapalabas ang nasabing episode sa Mayo.
 
 
Aminado ang aktor na na-miss niya nang husto ang isa sa itinuring niyang malapit na kaibigan sa showbiz.
 
 
“Ang tagal kong di siya nakita, kaya nung nagkita [kami], higpit ng yakap ko sa kanya. Sinabi ko sa kanya, 'I love you.'
 
 
"We tweet each other naman, e. We text each other now and then and grabe yung mga binitawan niyang salita tungkol sa akin.
 
 
"I don’t know what to say, nanggaling sa ganung klaseng tao. She’s so sincere. 
 
 
"Madali namang magbitaw nang ganung mga salita, pero I could feel the sincerity. When I was looking at her, I didn’t know what to say, how to act.
 
 
"Masarap lang na may mga taong ganun, na ganun ang iniisip sa akin, kasi nga ang dami ng mga negative na bagay na nangyayari."
 
 
Nagkatrabaho na silang dalawa sa Biggest Loser ng ABS CBN. Ayon kay Derek, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay gusto niyang makatrabaho muli ang Megastar.
 
 
“Oo naman. Kasi sa Biggest Loser, di kami masyadong nagkikita, so sana mabigyan kami ng proyekto na magkakasama talaga kami.”
 
   
HOSTING MISS WORLD. Positibo ang feedback nang i-host niya ang 2011 Bb. Pilipinas Miss Universe.
 
 
Ngayong nasa TV5 na si Derek, siya ang magho-host ng Miss World beauty pageant.
 
 
“I hear a lot of good comments nung nag-host ako ng Bb. Pilipinas. Ako dapat uli ang magho-host nun, pero due to what happened, natanggalan ako ng pelikula, ng hosting.
 
 
"Pero the Lord gave me a new movie and a new hosting, so dun na yung focus.
 
 
“I’m gonna be the same guy in a different pageant, and I’m really excited.  It’s gonna be in June, sometime in June, so grabe ang schedule ko.”
 
 
LAST FRISBEE EVENT. Sa kabila ng injury na natamo ni Derek nuong Nobyembre, kung saan naapektuhan ang kaliwang braso niya, kinumpirma nito sa amin na maglalaro siya sa darating na World Cup of Frisbee sa July sa Japan.
 
 
Pero ito na raw ang huli niyang pagsali sa nasabing tournament.
 
 
“I think it’s gonna be on July 11-15, that’s the World Cup of Frisbee.  We’re representing the country, may practice ako tonight for the Philippine team, and sana we do well when we go be there.
 
 
“After that, tapos na tapos na. It’s taking too much out of my body. It’s really beating me, di ko na kaya. 
 
 
"I have a three-year contract with TV5, I can’t afford to do something with my body again that can affect my responsibilties in TV5. 
 
 
"I’m not turning my back on this sport. [I can use my] experience on teaching...I had my time.”  
 
1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  katekate22

    05/23/2012 | 02:38 AM
    Napaka swerte talaga ni angelica kay derek dahil hangang sa huli hindi nag salita si derek na againts to her. Actually meron akong chika reliable talaga to dahil galing mismo to sa guard ng condo ng cousin ko na nakatira sa eastwood hindi ko na babangitin ko anung name ng condo pero may unit dun c angelika at nahuli daw sa cctv ni derek c angelika at john lyod cruz na naglalampungan sa lift. Kaya un iniwan sya ni derek. Mga artista talaga oh ..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  prettyme4sure

    04/30/2012 | 04:42 PM
    2MandK 04/29/2012 | 03:23 PMso excited..i hope see you again..so good looking,nice and always lang naka smile. hindi na ipagmalaki ng fans ni sharon kung sino siya..dahil kahit kapwa artista makapagsabi kung gaano siya kabait at sincere at generoous sa kapwa niya..hindi galing sa bibig mismo kay sharon kundi sa ibang tao..hindi naman siya katulad ni Kris aquino na lahat ng tinulungan i broadcast talaga at ipagyabang... --Walang masama kay KA kung ipagyabang nya un natulungan nya, totoo naman. kahit sinong tao naman minsan nagiging mayabang eh. please wag mo idamay si KA sa article
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  mamamomchang

    04/30/2012 | 04:22 PM
    Iba talaga si Ate Vi. Even the likes of Derek ay gusto siyang makasama sa movie. Ano na naman ang sasabihin ng mga detractors dyan, kasalanan na naman ni Ate Vi kung like siya ni Derek. Ikaw na maging magaling at maganda pa rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  JokoNazMan

    04/30/2012 | 10:22 AM
    Bakit kaya ang daming taong bitter... Favorite ba nila ampalaya o dahil mukha lang sila ampalaya... Wala permanent sa mundo, kahit nga tayo, pabago bago ng cellphone... Wag maging bitter sa mundo para di maagang mastroke.. Just enjoy life!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  hototguy

    04/30/2012 | 10:06 AM
    pearl... papaano naman naging ingrata si Derek? may nilabag ba sya sa contrata nya? malinaw na bitter lang ang iba dyan dahil nilayasan ang network nila. Lahat ba ng lumilipat ng channel ay INGGRATA? hehehehe favorite kong ulam ay TALANGKA, Burong Talangka, ask mo kay alfugai.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pearl102

    04/30/2012 | 04:36 AM
    6 hototguy 04/29/2012 | 05:16 PM mayroon pa rin di maka move on sa pag lipat ni Derek. Para sa akin, kung anu man ang desisyon ng isang artista na lumipat, dapat respetuhan lang. Lumipat na rin kaya kayo ng channel? yun nga lang, walang paki ang TV5, GMA7 at ABS kung lilipat kayo. Deadma lang hehehehe ---------------------Kung saan kikita ng pera okay lang talaga iyang magpalipat lipat ng network basta ba magpapaalam ng maayos at huwag maging INGGRATA!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  sopastar

    04/30/2012 | 12:29 AM
    good choice Derek. sana nga magkasama kayo ng Star for All Seasons sa isang movie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  cshare

    04/29/2012 | 11:17 PM
    Wala siya magagawa kung ndi na sya kasama sa movie ng star cinema. He chooses tv5 over abs so it means mas gusto niya mag work sa tv5 exclusive talent na siya ngayon ng tv5 so dont expect na itutuloy pa din ng abs na bigyan xa ng work instead mag po focus nalang syempre ang abs sa mga talents nila. At ndi dun sa mga umalis na at piniling magtrabaho sa iba..so respect lang sa isat isa and more understanding.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  milomilo123

    04/29/2012 | 10:38 PM
    anong title ng movie nila? ang aking manugang, ang aking apo, Mag tiyahin, Mag ina, Ano? sabihin nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  empress_mortal

    04/29/2012 | 10:34 PM
    8 brainful....sssshhhh wag ka ganyan baka mabasa ni Angel Locsin ma hurt.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  milomilo123

    04/29/2012 | 10:34 PM
    Bakit si Vilma ayaw nya kay SIARON.? O ayaw ni Siaron kay Derek
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  hototguy

    04/29/2012 | 09:56 PM
    cmontryme, you're absolutely right my dear! Star for all Seasons nga kasi, bagay sa kung sino man maging leading man nya. Ganda pa rin ni ate Vi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CmonTryMe

    04/29/2012 | 06:48 PM
    Vilma has been able to maintain her youthful looks, thanks in part to her good genes and healthy lifestyle which makes a love angle in a move with Derek sound really interesting! Young actors like him would learn much from an actress of Vilma's calbre!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    04/29/2012 | 05:49 PM
    I´ll never watch your shows kase I dont watch people na walang utang na loob, inggrates! Ang mga inggrates na katulad mo ay walang puwang sa showbiz industry, magiging laosian deep ka rin!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/29/2012 | 05:18 PM
    Lumipat nga ang Miss World Philippines sa TV5, okay lang. Lumipat ang Miss Universe sa ABS okay lang. Nuod lang kung di makalimutan hehehehe walang bitter bitteran.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/29/2012 | 05:16 PM
    mayroon pa rin di maka move on sa pag lipat ni Derek. Para sa akin, kung anu man ang desisyon ng isang artista na lumipat, dapat respetuhan lang. Lumipat na rin kaya kayo ng channel? yun nga lang, walang paki ang TV5, GMA7 at ABS kung lilipat kayo. Deadma lang hehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    04/29/2012 | 04:26 PM
    natanggala! u chose it! ano gusto mo ibigay sau eh ikaw itong wlang utang na loob?lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/29/2012 | 03:46 PM
    Santo ang tingin at ituring si alfie lorenzo ng mga adikians..... sa totoo lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    04/29/2012 | 03:44 PM
    Hindi kaya isumpa ni alfie lorenzo si Derek dahil sa pagnanais nyang makasama si ate Vi sa pelikula? You know naman ung matandang alfungai, kulang sa pansin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MandK

    04/29/2012 | 03:23 PM
    so excited..i hope see you again..so good looking,nice and always lang naka smile. hindi na ipagmalaki ng fans ni sharon kung sino siya..dahil kahit kapwa artista makapagsabi kung gaano siya kabait at sincere at generoous sa kapwa niya..hindi galing sa bibig mismo kay sharon kundi sa ibang tao..hindi naman siya katulad ni Kris aquino na lahat ng tinulungan i broadcast talaga at ipagyabang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About