celeb

Lorna Tolentino prays for cousin Zsa Zsa Padilla's recovery: "Yung nangyayari sa kanya ngayon, I’m sure malalagpasan niya.”

by Gorgy Rula posted on September 12, 2012  STATS: 898 Views | 6 Comments

“Talagang ganun siguro after, magde-deteriorate talaga. Kumbaga, nag-caregiver ka, yung body mo rin nai-stress. Ganun talaga kapag meron kang pinagdadaanan," sabi ni Lorna Tolentino (kanan) tungkol sa pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla (kaliwa), na na-diagnose na may stage 1 kidney cancer.

Photo By: Noel Orsal / Arniel C. Serato

Isa si Lorna Tolentino sa pinagkaguluhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa 73rd birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites kagabi, August 19.

Hiningan si Lorna ng reaksiyon tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang first cousin na si Zsa Zsa Padilla.

Na-diagnose na may stage 1 kidney cancer ang singer-acress at nakatakdang sumailalim sa operasyon sa August 27.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Lorna, habang papunta siya sa party ni Mother Lily ay naka-text daw niya si Zsa Zsa.

“Sabi ko nga, ‘Just be strong. Dapat change of lifestyle, yearly check-up, prayers… higit sa lahat, prayers.”           

Kuwento pa ni Lorna, may history ang kanilang pamilya ng cancer, kaya alam niyang puwede rin iyon mangyari sa kanila.

“Yung cancer history, nasa pamilya din namin kasi.

"Positive naman kami na maaagapan talaga.

“Actually, ang cure nga is the surgery. No need of chemo, radiation… hindi yung mga proseso ng isang may cancer.

“Basta matanggal lang yun, okay na,” saad ng aktres.

Okay naman daw si Zsa Zsa nang naka-text ni Lorna ang pinsan.

Nandiyan yung pag-aalala, pero "very positive" daw ang buong pamilya na malalagpasan ito ni Zsa Zsa.

Sabi ni Lorna, “Matagal na kami nag-uusap, lahat na mga operation niya, sinasabi naman niya sa amin.

“Bawat pamilya siguro kapag may pinagdaanan ang bawat isa, malalaman naman namin.”

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • gibraltar

    08/21/2012 | 06:43 AM
    Very expensive ang medical care dito sa States lalo na sa mga cancer patients kung wala kang health insurance. Marami naman sigurong pera si Zsa Zsa at may naiwan sa kanya si Dolphy. But still napakalaking pera ang involved. Ang kaibigan ko may appendectomy 40 K dollars daw ang bill niya buti na lang the US Navy paid for it kasi retired military personnel siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gayhazel

    08/21/2012 | 02:11 AM
    idol na idol ko si Ms. LT sa ganda at sa kagandahan ng loob.mwaaah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/20/2012 | 10:17 PM
    wish q sana bonggang bonggang tlserye ang ioffer ng abscbn k lorna, at starcnema movie pgktapos ng contract nya sa tv5 sa september 2012.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jemorz

    08/20/2012 | 10:12 PM
    Preho cla ng experience, both admirable dhil naging mbubuting jowa kya cla minahal ng totoo. get well soon to zsa2..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    08/20/2012 | 08:41 PM
    best friends ni alma moreno... hahaha!... at least theyre both pretty...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • xenaako

    08/20/2012 | 03:40 PM
    ang gagandang mag pinsan :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About