celeb

Erik Santos prays for ASAP co-host Zsa Zsa Padilla's recovery: "Kahit na gaano kahirap ang pagsubok, kahit gaano katagal, basta mag-pray ka lang."

by Melba R. Llanera posted on September 20, 2012  STATS: 839 Views | 1 Comments

Magkakaroon ng major concert ang singer na si Erik Santos kaugnay ng selebrasyon ng kanyang ika-siyam na taon sa music industry. May titulong Major Theme Songs, gaganapin ito sa August 30 and 31 sa Meralco Theater.

Photo By: Noel Orsal

Tuwing may susulpot na bagong artista o singer, madalas na itanong sa mga nauna nang nakagawa ng pangalan sa industriya kung hindi ba sila nakakaramdam na kaba o nati-threaten kaya.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya singer na si Erik Santos tungkol dito, inamin niya na hindi maiiwasan na minsa'y makaramdam ng kaba.

Aniya, “Oo naman. Itong industriyang ito, very competitive.

“Palaging dapat mayroon kang bagong ipinapakita every time na nagko-concert ka, naglalabas ka ng album. 

“Kumbaga, reinvention is very important.

“Yung threat naman, laging nandiyan ‘yan e.

“For me, mas nagpo-focus ako sa kaya ko pang ibigay sa audience. 

“Hindi ako nagdu-dwell sa ganung mga bagay, mas nagpo-focus ako dun sa kung ano pa ang kaya kong i-improve.”

Nakausap ng PEP si Erik sa backstage ng ASAP 2012 noong Linggo, August 19.

Anu-ano ang reinvention na ginagawa niya sa sarili para huwag siyang pagsawaan ng publiko?

“Sa akin, ang reinvention ko, nangyayari yun sa album, sa music, sa mga concerts ko.

“Pag sa concert, mayroon kaming bagong ipinapakita na hindi usually or normally nakikita nila sa akin o sa ASAP o sa ibang mga shows.”

Sa kabila ng mga bagong nagsusulputang singers o banda ay masasabing may sarili na ring hukbo ng mga tagahanga si Erik.

Isang patunay nito ay ang pagiging gold ng latest album niyang Awit Para Sa Iyo

Nandun din ang pag-asam ng singer na sana ay mag-platinum ang album.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

1 Comment

  • nakiman

    08/22/2012 | 05:02 PM
    Prince of pop? or Princess of Pop!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About