celeb

Jennylyn Mercado becomes an honorary member of Gabriela

by Gorgy Rula posted on September 19, 2012  STATS: 559 Views | 11 Comments

Actress Jennylyn Mercado receives an award of recognition from Gabriela secretary-general Lana Linaban during her fans' day at Star Mall in San Jose, Del Monte, Bulacan last May 14.

Photo By: Gorgy Rula

Isang simpleng dinner lang daw ang inihanda ni Jennylyn Mercado sa kanyang 25th birthday na ginanap sa kanyang tahanan nung Martes ng gabi, May 15.

“Ayoko naman talaga maghanda. Gusto ko lang kasama ko lang pamilya ko, mga close friends, at siyempre si Luis,” sabi ni Jennylyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong ng PEP si Jennylyn kung ano ang birthday gift sa kanya ng boyfriend niyang si Luis Manzano. Kaagad siyang nag-text na isang relo raw ang ibinigay sa kanya.

Ayaw nang sabihin ni Jennylyn kung anong klaseng relo ang ibinigay ni Luis, pero natutuwa siya dahil talagang hindi raw nakakalimot ang kasintahan sa mga ganung espesyal na okasyon.

GABRIELA HONORARY MEMBER. Natutuwa rin siya dahil marami ang hindi nakalimot sa kanyang kaarawan at talagang nag-celebrate para sa kanya.

Nung Linggo, May 13, kasabay ng 5th anniversary ng Showbiz Central, binigyan siya ng birthday celebration.

Kinabukasan naman, May 14, ay nagkaroon siya ng fan’s day na ginanap sa may bagong Star Mall sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

Naki-celebrate din doon ang grupong Gabriela na dati nang sumusuporta kay Jennylyn.

Doon na rin ay iginawad ng Gabriela ang Award of Recognition para sa aktres. Naging honorary member ang Kapuso star ng naturang grupo ng kababaihan.

Ayon sa Secretary-General ng Gabriela na Lana Linaban, malaking bagay raw ang pagsali ni Jennylyn sa Gabriela, dahil nakita raw nila ang katapangan nito para harapin ang mga pinagdaanan niya sa buhay.

Magsisilbing inspirasyon daw si Jennylyn sa mga kababaihang naabuso at naaapi na tumatahimik na lang, at hindi ito humingi ng tulong sa Gabriela para lumaban.

Sabi ni Jennylyn, “Yun nga, e. Marami din na tumatahimik lang talaga at tinitiis na lang.

“Siguro sa pagsasalita ko sana ma-realize nila na dapat lumaban na puwedeng humingi ng tulong sa Gabriela.

Tingin daw niya ay may maitutulong naman daw siya kahit sa maliit na paraan dahil naranasan din daw niya ang natulungan ng Gabriela.

Sabi ni Jennylyn, “Para sa akin, malaking tulong ang pagpapalakas ng loob at pagbibigay ng suporta.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  yuri_alex

    05/19/2012 | 12:46 PM
    Go Jen! Wala bang LIKE nalang kung tinatamad ka mag-comment? I super like Starstruck batch 1! Kilala ko pa yata sila lahat kahit tagal na nun! Hahaha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  cinelamour

    05/18/2012 | 11:57 PM
    bago sumali dapat alamin ang background ng isang organisasyon. wag magpapagamit!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    05/18/2012 | 10:07 PM
    good thing nagiging active kana jen. di lang sa sports kundi pati na rin sa social welfare. happy birthday!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Christiana219

    05/18/2012 | 05:37 PM
    karapat dapat naman siya maging member ng Gabriela dahil sa pinagdaanan niyang abuse simula nung bata siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehmina2

    05/18/2012 | 03:43 PM
    Congrats Jen,, a born fighter!A survivor!Goddess of Beauty!That's what makes her a cut above the rest!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    05/18/2012 | 01:14 PM
    ano ang magaggawa ni jen para sumali siya sa Gabriela. anong buti ang magagawa sa kanya nito. baket sino ba ang umapi sa kanya at bumaling siya sa Gabriela. wala naman credibilidad itong gabriela.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tere2310

    05/18/2012 | 01:13 PM
    WE ARE SO PROUD OF YOU JEN!!! WE LOVE YOU VERY MUCH!!!! WISHING YOU ALL THE BEST!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    05/18/2012 | 11:40 AM
    Nice Jen. Isa kang mabuting ehemplo dahil hindi mo tinularan ang FELLOW KAPUSO mo na si Rhian Ramos sa pagpapa ABORT ng anak nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dj72

    05/18/2012 | 10:13 AM
    Nice one Jen....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    05/18/2012 | 09:18 AM
    GOOD THING. Congrants Jenny for your new position. Hope that you will work on uplifting the image of the Filipina women in general and put a stop on those CHEAP and UGLY publicities the likes of ANDI Eigenmann of ABS CBN is involved with.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • terronez08

    05/18/2012 | 08:36 AM
    Survivor talaga si jen! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About