Before leaving for the U.S. for her kidney checkup, Zsa Zsa Padilla related, in an interview, what she chose for her tattoo: “It’s Dolphy’s own handwriting. I got this from one of the cards that he gave me. Yung pirma niya ang pinagaya ko.”

Photo: Shared via Zsa Zsa's Instagram

Bago lumipad si Zsa Zsa Padilla patungong U.S. para humingi ng second opinion sa mga doktor doon, nagpaunlak ito ng isang interview sa Cinema News One.

Sinabi niya rito na naiintindihan ng mga anak ng yumaong Comedy King kung bakit wala siya rito sa ika-40th na araw ng pagyao ng kanyang “Lovey,” ang Comedy King na si Dolphy.

Ang tinutukoy niya ay ang kanyang cancer sa kidney.


DISCOVERING THE MASS. Ayon kay Zsa Zsa, noong Mayo pa ng taong ito siya nagpa-checkup sa kanyang doktor. May nararamdaman daw kasi siyang kumikirot sa kanyang tagiliran.

Sinabi ng kanyang doktor, may nakita silang bukol or lump sa kanyang kidney na marble-sized pa lang naman ang sukat.

“I wasn’t even worried about it at first, because that time, si Dolphy ang inaalala ko. He was going in and out of the hospital that time,” pahayag ni Zsa Zsa.

“Nagpatingin ulit ako sa doktor just a few weeks ago and the doctor said that the findings weren’t good.

“Because yung dating ga-holen daw na bukol, has grown into a size of a golf ball or ping-pong ball.

“So, I asked him if it’s ok for me to seek for a second opinion. Sabi naman niya na ok lang, kung yun ang gusto ko.

“So, I readily made an appointment with the doctor in the States for another thorough medical check-up.”

TOUCHED BY ASAP FAMILY. Bago umalis si Zsa Zsa ay binigyan pa siya ng isang “welcome back” celebration ng programang ASAP, ang Sunday noontime variety show ng  ABS-CBN.

Hindi kasi siya nakapiling ng kanyang ASAP family simula noong maospital at sumakabilang-buhay si Dolphy.

“I was really touched by what ASAP did,” nakangiting sabi ng tinaguriang Divine Diva ng local showbiz.

Ang ASAP ay directed by Johnny "Mr. M" Manahan, at kinapapalooban ng napakaraming Star Magic artists at iba pang artista at singers.

“Matagal nga akong hindi nakapag-report sa show because of what happened in the past three months.

“They placed me in the middle of the stage and isa-isa silang lumabas to sing for me.