"I can no longer count the times kung ilang beses akong umiyak sa nangyari sa amin. I love her that much. Hindi ako sanay na wala siya sa buhay ko. I want her to give me another chance. But everything is all up to her. Sana nga malaman niya kung gaano ko siya talaga kamahal. Hindi ako iiyak nang ganito kung wala siyang halaga sa akin," says Rafael Rosell about his recent breakup with Malaya Lewandowski.

Photo: Noel Orsal

Marami ang nagulat sa biglang pag-iyak ng hunky actor na si Rafael Rosell sa press conference ng Status: Single—kung saan isa siya sa leading men ni Rufa Mae Quinto—kahapon, January 20.

Kinumpirma kasi nito na hiwalay na sila ng kanyang long-time girlfriend na si Malaya Lewandowski, kapwa Star Magic artist ni Rafael. Tatlong taon na raw kasi ang itinagal ng kanilang relasyon at nag-celebrate pa sila kamakailan ng kanilang third anniversary. Pero laking gulat ni Rafael na biglang humiling si Malaya na magkanya-kanya muna silang dalawa.

Gustong linawin ni Rafael na walang third party involved. Naging masyado lang daw silang kampante sa isa't isa kaya hindi nila napansin na may matindi na silang problema.

"May mga bagay na kaming hindi na pagkakasunduan. But I'm ready to make sacrifices. Hindi ko na lang pinapansin ang mga ‘yon because alam ko na we are in love and I thought that was enough for us. Hindi naman pala.

"Last Monday [January 19] lang kami nagkausap nang seryoso and that's it. Ayaw na raw muna niya because there are problems and I refuse to face it. Matagal na raw may nangyayaring hindi tama sa relasyon namin, but I am the one who does not notice it.

"I was shocked sa gusto niyang mangyari. I could not stop her sa gusto niya. I tried to save things, pero nakapagdesisyon na raw siya and I have to face it like a man," malungkot na kuwento ni Rafael sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi nahiyang sabihin ni Rafael na iniyakan niya ang naging hiwalayan nila ni Malaya. Ramdam namin na mahal na mahal niya ang dating girlfriend at talagang nasaktan siya sa nangyaring hiwalayan nila.

"I can no longer count the times kung ilang beses akong umiyak sa nangyari sa amin. I love her that much. Hindi ako sanay na wala siya sa buhay ko. I want her to give me another chance. But everything is all up to her. Sana nga malaman niya kung gaano ko siya talaga kamahal. Hindi ako iiyak nang ganito kung wala siyang halaga sa akin," sabi ni Rafael.

Susubukan daw ni Rafael na makipagbalikan kay Malaya. Gagawin daw niya ang lahat para ma-win back niya ang pagmamahal ng kanyang ex-girlfriend. Sana nga raw ay bumalik na ito sa kanya para bumalik na raw sa dati ang lahat.

"I am praying that we get back. I really want her back in my life. If it takes forever, I am willing to wait for her. I won't start a new life without her. That's how much I love this girl," deklara ni Rafael.