"Lahat naman dapat, di ba, kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat doon papunta? Saka hindi na rin tayo bumabata. Pero siyempre, hindi naman gano'n na pinag-uusapan na. Siyempre, pag pumasok ka sa isang relasyon na seryoso, doon ka dapat papunta," says director GB Sampedro (right) on the possibility of proposing to Brazilian beauty Daiana Menezes.

Photo: Mark Pimentel / Sany Chua

Nag-celebrate ng kanyang birthday si Direk GB Sampedro nitong nakaraang Linggo, May 29, matapos ang airing ng kanyang idinidireheng programa, ang Sunday showbiz talk ng TV5 na Paparazzi.

Bago natapos ang show, dumating si Daiana Menezes na nababalitang kasintahan ngayon ni GB. 

Hindi guest sa showbiz ang Brazilian model turned TV star kaya inulan sila ng tukso mula sa hosts ng programa na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daiana, nailang itong kumpirmahin na siya ang isa sa mga punong-abala sa paghahanda ng birthday treat ni Direk GB sa kanyang mga staff. 

Rason ni Daiana, babae siya at nahihiya siyang ipangalandakan ang effort niya sa selebrasyon ng rumored boyfriend niya.

Pero inamin niyang masaya siya sa piling ni GB at ang wish niya ay sana hindi ito magbago sa pag-aalaga nito sa kanya.  (CLICK HERE to read related story.)

WISH GRANTED. Nang makausap naman ng PEP si Direk GB, una muna naming tinanong ang kanyang birthday wish.

"Wala na, nandiyan na yung wish ko, e, " mabilis niyang sagot, na ang tinutukoy ay si Daiana.

Nagkuwento si GB kung paano sila nagkakilala ni Daiana.

"Oo, hindi ako pinapansin dati niyan, e. 

"Pero siguro dahil nga iisa yung lugar na tinitirhan namin, kaya lagi kaming nagkikita."

Naikuwento ni Daiana na iniligtas siya ni GB sa isang pagkakataong kailangan niya ng tulong dahil sa isang manliligaw. 

Paano siya dumating to the rescue sa buhay ni Daiana?

"Hindi naman. Timing lahat 'yan," sabi ng direktor.

"Nandoon din ako sa point na kahit ako naman, may mga dini-date din naman ako, pero parang hindi nagwu-work out lahat.