"Yes, you know why? Because we met in the elevator. Because we live in the same building. So I told him, 'Let's just get married inside the elevator na lang,'" says Daiana Menezes.

Photo: Wilson Chua

Daiana Menezes was going to and fro at the backstage of Music Museum before the first night of Erik Santos's PowER IKons concert started last Saturday, August 13.

Ang boyfriend niyang si GB Sampedro kasi ang direktor ng show.

Once in a while, lumalabas din si Direk GB to check on Daiana who was seated with the director's kin.

After the show, finally ay nagkaroon ng chance ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para kausapin ang Brazilian co-host ng Eat Bulaga!. We assumed that Daiana was there because of Direk GB.

"This is the first time I see a concert of Erik. Siyempre I only watch him sa ASAP [Rocks].

"Magaling din talaga siya kumanta and of course he's the best friend of [Direk GB]," panimula ni Daiana.

Kaya siya nando'n?

"Not naman that's why I'm here. I'm friend na rin naman with him [Erik]. Siyempre I also want to congratulate him and be here for him.

"First time to watch him and I'm really, really impressed. He did a great job.

"So, great job Erik," sabi pa niya uli na impressive both sa salitang English at pagta-Tagalog.

THE RING. During that time na kausap namin si Daiana, Direk GB was a few steps behind na may mga kausap din.

Mukha kasing in love na in love sila sa isa't isa kaya may plano na ba sila to get married?

Tumawa lang si Daiana groping for what to say until mapansin namin ang singsing sa kanyang daliri.

"Puwede bang magtago 'yan?" referring to the ring.