Billy Crawford and Nikki Gil promise to make their long-distance relationship work.

Photo: Allan Sancon

Sa isang article ni Melba Llanera late last year, kinumpirma nito na lilipad na si Billy sa United Kingdom upang balikan ang kanyang iniwang international singing career.

This January na nga daw naka-schedule umalis ng Pilipinas si Billy.

(CLICK HERE for related article)

Suportado naman ng girlfriend niyang si Nikki Gil ang career move na ito ni Billy.

Ang sabi ng dalaga sa isang recent interview, "I guess it starts with one thing: to make it work.

"Eventually you find ways to make it happen.

"We have so many Kapamilyas and Kapuso na hindi sila magkasama, pero they're still a family."

Hindi ba malungkot iyon?

Ang sagot ni Nikki, "But you know it's fine, because Billy's home base will still be in Manila.

"Aalis lang siya for short periods and then babalik din naman siya."

Sa hiwalay naman na panayam, ang tinuran ni Billy, "Ang importante lang diyan is the patience and communication we have for each other.

"Yun ang maganda naman ngayon, e—you have PEP, you have Skype, there are many ways to communicate with each other.

"I won't say it's gonna be easy.

"Yes, it's gonna be difficult.

"Pero in life, you have to make sacrifices.