"My dad came up with this crazy idea of driving through Marinduque. Because we want to stay there, eight to ten days. He doesn't want us to get bored. So, he wants us to drive around. There's gonna be twenty-seven of us! And we're taking five cars! Magro-RORO kami. It's gonna be fun!" says Derek Ramsay about his Christmas road trip with family and girlfriend Angelica Panganiban.

Photo: Nimfa Fajardo

Para kay Derek Ramsay, balewala lang ang pagkatalo ng pinangungunahan niyang ASAP Rocks basketball team sa pinangungunahan ni Gerald Anderson na Star Magic team.

"Well, today is for all...to give everybody here a good show, for the patients, the cancer patients and the kids.

"So, we're all winners today!" pahayag ng 31-year-old Filipino-British model turned actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ang basketball game nila ay ginanap sa Ynares Sports Arena sa Pasig City noong Linggo, November 13.

Para sa benefit ng Cottolengo Filipino, Inc. and Cancer Warriors, Inc. ang basketball game, na proyekto ni Gerald.

Ang Cottolengo ay isang non-stock, non-profit organization na nangangalaga sa mga batang may kapansanan (sa pisikal at sa kaisipan).

Ang Cancer Warriors naman ay nangangalaga sa mga taong may sakit na cancer.

Nanalo ang team nina Gerald sa score na 69-59.

Pero si Derek ang itinanghal na highest pointer, dahil nakagawa ito ng 26 points.

Biro nga sa kanya ng game announcer nung araw na iyon na si Andrei Felix: "Import!"

Pero mapagkumbaba namang sinabi ni Derek na nahihirapan na rin siya sa paglalaro.

"Naku, nung last game, humihingi na ako ng sub.

"Pero walang-awa ang mga teammates ko, hindi ako pina-sub," natatawang pag-alala ni Derek.

Ang tinutukoy niya ay ang game nila sa Colegio de San Agustin, sa Makati, nung July 31 Star Magic Sportsfest.

Dito ay nakalaban din nila ang Star Magic team ni Gerald, pero noon ay tinalo ng team ni Derek ang mga ito.