Gerald Anderson on Sarah Geronimo: 'She's very special to me, napakaganda niya, napabakait. Pero hindi ako nanliligaw sa kanya. Kinikilala ko pa lang siya. Hindi pa kami nakakalabas na dalawa."

Photo: Noel Orsal

Bago matapos ang 2011, muling na-link sa isa't isa sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.

Ito ay dahil muling nagkapareha ang dalawa sa pelikulang Won't Last A Day Without You.

Ito ay follow-up movie nila pagkatapos ng blockbuster hit na Catch Me, I'm In Love.

Usap-usapan na nagtuluy-tuloy na raw ng closeness ng dalawa, kung saan nakita pa raw na dumalaw ang young actor sa commercial shoot ng Pop Princess.

Mas lalo nga raw nagkalapit sina Gerald at Sarah pagkatapos ng showing ng kanilang second movie, patunay raw na hindi lang pang-promo ang closeness nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald sa studio ng ASAP 2012 noong Linggo, January 8, tinanong namin siya tungkol sa balitang panliligaw niya kay Sarah.

Ayon sa matinee idol, "Kumbaga, I'm taking this chance para makilala ko pa si Sarah. 

"Hindi naman kinakailangan na ganun agad, hindi naman ako nagmamadali. 

"Okay naman kami ni Sarah, nakikilala ko siya as friend talaga.

"Open ako in dating, yung makakilala ng ibang tao."

Iginiit ni Gerald na hindi siya nanliligaw kay Sarah.

Aniya, "Oo naman, she's very special to me, napakaganda niya, napabakait.

"Pero hindi ako nanliligaw sa kanya.

"Kinikilala ko pa lang siya. Hindi pa kami nakakalabas na dalawa."

Kumusta naman ang pakikitungo sa kanya ng mga magulang ni Sarah, na kilala bilang mga istrikto at protective sa kanilang anak?