celeb

Alex Gonzaga "intimidated" by veteran co-stars in Babaeng Hampaslupa but works with "grace under pressure"

by Jocelyn Jimenez posted on September 13, 2011  STATS: 399 Views | 4 Comments


"Sa dati kong show sa [ABS-CBN], kunwari sabihin, 'Uy, napapanood kita sa...' 'A, okay.' Pero dito sa TV5 pag sinabing, 'Uy, napapanood kita sa TV, ang ganda ng Hampaslupa.' Parang mas naaano ka, wow, mas nasa-shock ka. Kasi parang given na sa ABS. So, feeling ko dito, mas na-attach ako sa network," says Alex Gonzaga.

Photo By: Mark Pimentel

Nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa primetime drama show ng TV5 na Babaeng Hampaslupa. Kaya naman na-extend ito magmula nang ipalabas ito noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa mga bida ng serye na si Alex Gonzaga, sa set nito sa Malabon noong May 24, sinabi niyang tuwang-tuwa siya sa tagumpay ng kanilang palabas.

"Sobrang happy kasi siyempre first teleserye ng TV5, di ba, napansin, may mga sumuporta talaga," pahayag niya.

Ginagampanan ni Alex sa Babaeng Hampaslupa ang karakter ni Grace Elizabeth Wong, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Wong.

TURNING SERIOUS. Isang malaking proyekto ang palabas na ito para sa Kapatid network, kaya naman maging si Alex ay may mga ginawa ring paghahanda, bukod pa sa payo ng management sa kanya.

Aniya, "Alam ko for this project malaki talaga yung ni-risk ng TV5.

"Alam kong it's a really big project, so may responsibility ako as an actress na kailangan kong sundin yun kasi tinanggap ko 'to, di ba?"

Kuwento ni Alex, may ilan siyang binitawang mga programa o kung hindi naman ay binawasan ang appearances niya dahil sa Babaeng Hampaslupa.

"Tinanggal po ako sa Lokomoko U," banggit ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

"Tapos sa Juicy, pina-lessen na sa akin yung panggagaya, yung mga skit, yung mga patawa.

"Kinausap nila [management] ako, 'wag na muna [magpatawa] kasi nga para mabuo sa tao na pag nakikita ako dito [sa Babaeng Hampaslupa], seryso."

WORKING WITH VETERAN STARS. Hindi mapagkakaila na malalaking artista ang kasama ni Alex sa programang ito, gaya nina Susan Roces, Eddie Garcia, Alice Dixon, Freddie Webb, at Jay Manalo.

Ano ang nararamdaman niya tungkol dito?

"Kinakabahan talaga ako!" bulalas niya.

"Minsan, parang nai-intimidate talaga ko.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

4 Comments

  • Pinaysamerika1926

    07/21/2012 | 11:45 AM
    Ang s u s u p l a d a ng magkapatid na to sa totoo Lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    09/21/2011 | 04:36 AM
    wala kasi siyang career sa abs dahil nga mas sikat si toni sa kanya. eh sa tv5 puwede dahil wala naman siyang karibal gaano. hindi naman siya tipong pag leading lady pang support lang siya dahil wala naman siyang karapatan maging leading lady.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • melody2

    06/01/2011 | 07:01 AM
    I am avid fan of BH. I simply admire Martin Escudero for his clean cut appearance. I also like Alex in a serious role rather than being masyadong mabilis mag-salita na para tuloy tomboyish ang dating. Overall I go for all the stars there especially Susan Roces na walang ka-kupas kupas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • melody2

    06/01/2011 | 06:55 AM
    OK na bang mag-comment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About