Katatapos lang maipalabas sa mga sinehan ang indie film na Ang Babae Sa Septic Tank, pero heto't may bago na namang pelikula si Eugene Domingo na ipinapalabas—ang Wedding Tayo, Wedding Hindi ng Star Cinema at OctoArts Films.
Kasama rito ni Eugene sina Toni Gonzaga, Zanjoe Marudo, at Wendell Ramos.
Marami ang nakakapansin na mas nagko-concentrate ngayon si Uge (palayaw ni Eugene) sa paggawa ng pelikula kesa TV shows.
Ang regular show lang ngayon ni Uge ay ang Comedy Bar sa GMA-7, bagamat ginagawa rin niya ang mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina kung saan tampok ang Superstar na si Nora Aunor.
Sabi ng komedyana, "Thankful po ako na habang ikaw ay binibigyan ng pagkakataong lumabas sa pelikula, hindi ko dinadalasan ang paglabas ko sa TV para naman masabik din sila pag napanood ka sa big screen.
"Yun din ang hinangaan ko kay Toni, nag-usap din kami. Sabi niya, 'Ate Uge, conscious din ako na hindi ako gumagawa ng soap maya-maya kasi gusto ko hosting at pelikula.'
"So, dun pa lang, compatible na kami sa paniniwala namin. But I'm not saying na never na akong magti-TV.
"Right now, my priority is to make films.
"So, natutuwa ako na inspite of the weather at ang daming Hollywood films, e, pinapasok pa rin ang pelikulang Pilipino at diyan ay nagpapasalamat ako na ako ay naging artista."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Eugene, kahapon, September 1, sa thanksgiving party nila para sa press dahil sa success sa takilya ng Wedding Tayo, Wedding Hindi, na nagbukas sa mga sinehan noon lamang Miyerkules, August 31.
Ginanap ang pagdiriwang sa ELJ Building ng ABS-CBN.
TWO MOVIES. Bago pumunta si Eugene sa victory party ay nanggaling muna siya sa screening ng isa pa niyang pelikula kung saan kasama din siya sa cast—ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington.
Noon ding Miyerkules nagbukas ang Zombadings na pinagbibidahan naman ni Martin Escudero.
Hindi ba mahirap kay Eugene na dalawang pelikula niya ang magkasabay na ipinalalabas?
"Yung pagpapalabas ng dalawang pelikula kung saan kasama ako ay hindi ko naman kontrolado.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
7 kilabotako
6 bitterkapus
5 Sodalover1
4 coolitz4coolitz4ever
3 paxvobis46
2 crushable
1 yobuchi