"I think hindi mo maaalis talaga that any child would always wish that the parents would be together," sabi ni Kris Aquino tungkol sa kanyang anak na si Bimby, na muling nagtatanong tungkol sa kanyang ama na si James Yap.

Photo: Allan Sancon

Naiintindihan at naa-appreciate daw ng TV host-actress na si Kris Aquino ang paggiging possessive ng kanyang bunsong anak na si Bimby.

"Okay lang, kasi gano'n talaga kaming dalawa, gano'n ang relationship namin," pahayag ni Kris nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Segunda Mano sa Muntinlupa noong Biyernes ng gabi, September 23.

Kamakailan kasi ay lumabas ang balita na tinanong ni Kris si Bimby kung puwede niyang maging boyfriend si Diether Ocampo, na nakasama ng TV host-actress sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na Dalaw. (CLICK HERE to read related article.)

Hanggang ngayon ay nali-link pa rin sina Kris at Diether sa isa't isa.

Ikinuwento muli ni Kris sa PEP kung paano niya tinanong si Bimby tungkol kay Diet.

"We were watching kasi Guns and Roses and then, tinanong ko lang siya na ano... Nakuwento ko kasi yun on-air [sa Kris TV]. Sabi ko, I asked Bimby, 'Can Tito Diet be my boyfriend?'

"And talagang sinagot niya, 'But why?'" sabi ni Kris, habang ginagaya ang boses kung paano ito sinabi ng kanyang anak.

Tawang-tawa na dagdag ni Kris, "Talagang full drama kami magna-nanay!"

"And sabi ko, uhm, 'Why not?'

"'Coz you love me and you love kuya [Josh].'

"Sabi ko, 'So?'

"'So you can't love him.'

"Tapos sabi ko, 'Why?'

"Tapos sinabi niya, 'Because I'll just go away...'

"At talagang ra-run away daw siya!