"Sa pag-awit, sa pagsali ko sa Tawag ng Tanghalan noong araw, doon ako nag-umpisa at ngayon po, iyon po talaga ang gusto kong maibalik. Kaya nga gumagawa ako ng paraan, na pagbalik ko, itutuloy ko na 'yong pagpunta ko ng Boston para magkaroon ulit ng operasyon sa leeg ko. Baka sakali may awa ang Diyos, maibalik muli ang boses ko at magkaroon ulit ng concert pagbalik ko dito [sa Pilipinas]," said Nora.

Photo: Noel Orsal

"Baka ho, pumirma, baka lang, ha, pumirma ako ng three-year contract sa TV5."

Ito ang isang rebelasyong ni Nora Aunor kagabi, Setyembre 22, sa presscon ng kaniyang mini serye sa TV5, ang Sa Ngalan ng Ina, na ginanap sa Cinema 2 ng SM The Block sa North Avenue, Quezon City.

"Kasi happy ako talaga, walang biro," pagpapatuloy ni Ate Guy.

"Walang ibang studio o ibang network na talagang nagbigay ng importansya sa akin.

"Nag-alaga at talagang pinakita ang kanilang pagmamahal sa isang katulad ko po.

"Isa po kaming pamilya na nagta-trabaho.

"Katulad ng lagi kong sinasabi, maganda magtrabaho kapag kayo ay isang buong pamilya na walang intrigahan at masaya lahat ng mga kasama mo."

SOAP OPERA. Matapos ang presscon ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Ate Guy.

Dito'y sinabi niya ang kanyang plano na pumirma ng three-year contract sa TV5. Mukhang ito na ang simula ng kaniyang panibagong showbiz career dito sa Pilipinas.

Paliwanag ng Superstar, "Dahil sa eksperyinsa ko... na binigay sa akin ng TV5.

"Kumbaga sa ano, ayoko masira o gusto ko rin ipakita sa kanila 'yong aking pasasalamat sa pamamagitan ng pagtatrabaho ko."

Noong nakaraang dalawang linggo lamang daw nagsimula ang negosasyon sa pagitan ng mga managers ni Nora at ng TV5.

Posible daw na sa susunod na buwan ay pumirma na siya ng kontrata sa naturang network, bago pa man siya bumalik sa Amerika ng Enero.

Ngunit, hindi lang ang three-year contract sa TV5 ang surpresa ni Ate Guy sa kaniyang mga fans.

"Inaayos na nila, e, soap opera na [ang] gagawing next pagkatapos nito.