"Sa pag-awit, sa pagsali ko sa Tawag ng Tanghalan noong araw, doon ako nag-umpisa at ngayon po, iyon po talaga ang gusto kong maibalik. Kaya nga gumagawa ako ng paraan, na pagbalik ko, itutuloy ko na 'yong pagpunta ko ng Boston para magkaroon ulit ng operasyon sa leeg ko. Baka sakali may awa ang Diyos, maibalik muli ang boses ko at magkaroon ulit ng concert pagbalik ko dito [sa Pilipinas]," said Nora.

Photo: Noel Orsal

Pero giit niya, "Malaking dagdag ang boses. But, ang importante naman do'n 'yong emosyon, kung ano 'yong magiging reaksyon ng mukha, ng katawan, katulong lang ang boses do'n.

"Pero, mas maganda sana kung walang diperensya."

Pagbalik ni Ate Guy sa Amerika, balak na daw niyang ipa-opera ang kaniyang lalamunan sa Boston.

"Kailangan pa kasi ma-opera ulit 'yong leeg ko," banggit niya.

"Dahil medyo kita mo naman kanina, nahiya nga ako kasi 'yong boses ko halata talagang boses lalaki, masyadong malalim."

Dagdag pa niya, "A, gustong-gusto ko na talaga kumanta. Nami-miss ko 'yong pag-awit dahil 'yong pagkanta po, diyan ako nakilala ng mga tao.

"Hindi naman sa pag-aartista ako nakilala talaga, e.

"Sa pag-awit, sa pagsali ko sa Tawag ng Tanghalan noong araw, doon ako nag-umpisa at ngayon po iyon po talaga ang gusto kong maibalik.

"Kaya nga gumagawa ako ng paraan, na pagbalik ko itutuloy ko na 'yong pagpunta ko ng Boston para magkaroon ulit ng operasyon sa leeg ko.

"Baka sakali may awa ang Diyos, maibalik muli ang boses ko at magkaroon ulit ng concert pagbalik ko ulit dito [sa Pilipinas]."