John Lloyd Cruz on his lifestyle: "Actually, alam mo, hindi naman talaga ako gumigimik. Yung mga gimmick, like clubbing or going to the bar, hindi naman. Siguro dahil nababakante ako from work, nagkakaroon ako ng time na matulog ng maaga. Matulog ka nang maaga, then gising ka nang maaga. Never naman na hindi ako naging healthy living."

Photo: Noel Orsal

"I am indeed better than ever."

Ito ang nakangiting pahayag ni John Lloyd Cruz nang humarap siya sa isang press conference na kinober ng The Buzz at ipinalabas noong Linggo, December 4.

Tinanong kasi ang Kapamilya actor kung kumusta na siya pagkatapos ng marami-rami na ring mga intrigang dumating sa kanyang career at personal na buhay.

Dugtong pa ni John Lloyd, "To be with my friends and the people who value you as you are and what you can give. 

"Ako, ayoko nang i-dissect kung anuman ang pinanggalingan ng tanong or ng intensiyon na para pag-usapan pa. 

"I wanna focus on what's good and what's kind. And what's positive."

May nagtanong kay John Lloyd kung morning person na raw ba ang aktor at kung hindi na raw ba ito gumigimik.

Sagot niya, "Actually, alam mo, hindi naman talaga ako gumigimik.

"Yung mga gimmick, like clubbing or going to the bar, hindi naman. 

"Siguro dahil nababakante ako from work, nagkakaroon ako ng time na matulog ng maaga.

"Matulog ka nang maaga, then gising ka nang maaga.

"Never naman na hindi ako naging healthy living."

SHAINA MAGDAYAO. Naging matipid naman ang tugon ni John Lloyd nng tanungin na siya tungkol kay Shaina Magdayao. 

Isa sa tanong sa aktor ay kung nakapag-usap na ba sila ni Shaina.

"Bakit?" balik-tanong ni John Lloyd.