Carla Abellana on possibility of renewing her contract with Kapuso network: "Kailangan naming marinig kung ano ang plans ng GMA para sa akin. Hindi naman enough na, 'eto ngang if ever na project na ito, kailangan, ano pa ang mga susunod na plano, di ba? Kailangan marinig muna namin the rest."

Photo: Noel Orsal

Sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Rhian Ramos ay ang usap-usapan na papalitan na raw siya sa upcoming series ng GMA-7 na My Beloved.

At ang lumulutang na pangalan na makakapareha ni Dingdong Dantes sa naturang serye ay si Carla Abellana.

Kaya naman isa ito sa tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa presscon ng pelikulang Yesterday Today Tomorrow kagabi, December 6, sa Imperial Palace Suites.

Ayon kay Carla, "Nababalitaan ko yun, pero wala pa naman akong nababalitaan from GMA at kay Tito Arnold [Vegafria, her manager].

"Hindi pa. 

"So, sabi ko, hangga't hindi pa nanggagaling sa kanila, hindi tayo sigurado. 

"Sa ngayon, tsismis lang."

Paano kung totoo ngang siya ang napipisil ng GMA-7 na gumanap sa role na dapat kay Rhian, tatanggapin ba niya?

"Walang problema. Trabaho pa rin yun," sagot ni Carla.

"Pero gusto ko sanang tapusin muna ang Kung Aagawin Mo Ang Langit kasi naumpisahan ko na. 

"Alangan naman na iwan ko lang yun na basta-basta.

"Siyempre, I still have my responsibilities.

"Tatapusin ko yun. Gusto kong tapusin yun."

Kung Aagawin Mo Ang Langit ang afternoon soap ni Carla kasama sina Michelle Madrigal at Mike Tan.

Ayon kay Carla, hanggang January 2012 pa ang taping nila para sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, pero hanggang sa February pa ang airing nito.