Ang upcoming musical show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit wala siyang Valentine concert this year.
Puspusan daw kasi ang gagawin nilang preparasyon para sa Sarah G. Live!, na malamang ay magsimula na sa Pebrero.
Kung wala siyang Valentine concert, posibleng malibre si Sarah sa "Araw ng mga Puso" sa February 14.
May nagyaya na ba sa kanyang makipag-date sa Valentine's?
Natawa muna si Sarah bago sinabing, "Wala pong nag-aaya saka hindi pa naman ako...baka sa show makapag-date ako!"
Paano kung yayayin siya ng leading man niyang si Gerald Anderson for a date?
"A, tingnan natin!" tawa ng dalaga.
Papayagan ba naman siya ng Mommy Divine niya na makipag-date kung saka-sakali?
"Hindi ko po alam. Tatanungin po natin siya kung papayag siya," sagot ng 23-year-old singer-actress.
GERALD'S GIFT. Tinanong din ng press si Sarah kung ano ang iniregalo sa kanya ni Gerald noong Pasko.
Pero sa umpisa ay alumpihit sa pagsagot si Sarah.
"Ano... Nahiya naman po ako... Nahihiya po akong sabihin, e... Tanungin n'yo na lang po siya kung ano ang iniregalo niya," hindi mapakaling sagot ni Sarah.
Maging ang regalo ni Gerald sa kanyang mga magulang ay ayaw rin nitong sabihin.
"Siya na lang po ang tanungin n'yo...nahihiya po ako, e," ulit na naman ni Sarah.
Pero hindi siya tinantanan ng press kaya sa huli ay napaamin din si Sarah, na halatang pinagpapawisan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
88 hilongtalilong
87 hilongtalilong
86 hilongtalilong
85 Glak9
84 davaowenia_ia
83 ledfarani
82 Alwaysholiday
81 rray
80 MarkLapid
79 MarkLapid
78 song751
77 MissHugoBacungan
76 MissHugoBacungan
75 dubidu1992
74 khay0511
73 halabira
72 superbeki
71 Ornusa
70 ehemm
69 lyka25
more comments