Asked to comment on his chances of winning Best Actor for his performance in Segunda Mano at the MMFF 2011, Dingdong Dantes says: "Siguro, higit pa sa manalo man or anuman ang makuha ko, yung experience na na-gain ko. Ng lahat, magmula nang mapag-usapan namin ang istorya hanggang sa last shooting day, hanggang sa pag-dubbing. At siguro, much more if I'd see the faces of those who watched at alam kong naligayahan sila. E, walang katumbas na kahit anong tropeyo yun."

Photo: Noel Orsal

Kagabi, December 12, ay tumuntong sa bakuran ng Kapamilya network si Dingdong Dantes.

Bago pa man isipin na mangingibang-bakod na ang Kapuso actor, nagpunta siya roon para sa presscon ng pelikulang Segunda Mano na ginanap sa 9501 restaurant sa ELJ Bldg. sa loob mismo ng ABS-CBN compound.

Ang Segunda Mano ay isa sa mga entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2011.

Ito ay tinatampukan ni Dingdong kasama ang Kapamilya stars na sina Kris Aquino at Angelica Panganiban, mula sa direksiyon ni Joyce Bernal.

Ayon kay Dingdong, nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatuntong siya sa ABS-CBN.

Saad niya, "Hindi naman first time na makapunta ako dito.

"Pero every time pumupunta ako, it's a good experience.

"Na siyempre, mas maganda na hindi ka madalas na nakakapunta para ma-appreciate mo ang mga bagay-bagay, and I appreciate everything."

PRODUCERS. Bukod sa pagiging bida ng Segunda Mano, co-producers din sina Dingdong at Kris; kasama ang Star Cinema at MJM Productions.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung may pagkakataon ba na nagkaroon sila ng problema ni Kris bilang producers.

"Wala talaga," mabilis na tugon ng aktor.

"Kasi siyempre, kapag sinu-shoot namin 'yan, yung sumbrero bilang artista, yun palagi ang nandoon. 

"At bilang producer, hindi ko naman iniisip yun.

"At siyempre, bilang producer, kailangan maganda ang kalabasan.

"At as an actor, marami akong mage-gain from it.