celeb

Coco Martin remains "ordinary" despite his popularity; says "Kasi simple lang akong mangarap."

by Rose Garcia posted on January 17, 2012  STATS: 2326 Views | 20 Comments

 

Coco Martin, on maintaining his privacy: "Sabi ko nga, ang pinaka-ayoko yung ma-involve ang pamilya ko sa trabaho ko. Every time na umuuwi ako sa bahay, never na nagtanong sa akin ang lola ko about sa trabaho ko. Kung maganda ba si ganyan, mabait, mabango? Ayokong pinag-uusapan yun. Kahit sa showbiz, hangga't maaari, iniiwas ko namang pag-usapan ang personal life ko or ang pamilya ko. Hangga't maaari."

Photo By: Noel Orsal

Tila naging tribute kay Coco Martin ang live guesting nito sa The Buzz noong Linggo, January 15.

Bago kasi ang interview sa kanya ng The Buzz-host Boy Abunda, nagpalabas muna ng VTR ng mga pahayag ng mga direktor at artistang nakasama na ni Coco sa iba't ibang proyekto.

Kabilang sa mga ito sina Direk Brillante Mendoza (direktor ni Coco sa indie films na Masahista, Tirador, Serbis, at Kinatay), Cherry Pie Picache (co-star ni Coco sa pelikulang Noy at sa teleseryeng Tayong Dalawa)...

Direk Jerry Sineneng (direktor ng Minsan Lang Kita Iibigin), Gerald Anderson (co-star niya sa Tayong Dalawa), at Direk Trina Dayrit (direktor ng Tayong Dalawa).

Lahat sila ay nagsabi kung gaano kahusay si Coco bilang isang aktor.

Naging inspirasyon din si Coco ng karamihan, mula sa paglabas niya sa mga indie films at sa matagumpay na pagpasok sa mainstream movies at television.

Reaksiyon naman ni Coco rito: "Sobrang sarap na marinig lalung-lalo na po sa mga kasamahan kong artista, direktor. 

"Ano, e, sila yung mga naghasa sa akin kung nasaan man ako ngayon.

"Sila ang mga naging inspirasyon ko kung bakit ako nandito ngayon."

PHENOMENON. Sa VTR ay nagdeklara si Cherry Pie na: "I think Coco Martin is a phenomenon."

Ito ay dahil si Coco lang daw ang "nakatawid" mula independent films papuntang mainstream.

"Sobra yun!" nakangiti at tila nahihiya namang sabi ni Coco nang hingan siya ng reaksiyon sa tinuran ni Cherry Pie.

Dagdag pa ng aktor, "Nakakalaki ng puso, siyempre.

"Pero para sa akin po, hindi naman po.

"Siguro kung may ganoon po, si Nora Aunor po yun, hindi po ako."

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  ellenbermu

    03/17/2012 | 11:43 PM
    sana ma maintain niya na mag focus sa drama o pag gawa ng pelikula.Kaya siya pinananabikan ng mga viewers kasi may mystery pa siya sa buhay.Di tulad ng ibang mga sikat diyan,sasayaw sa tv,kakanta kahit di naman singer,mag hohost ng tv at ano ano pa.Im a fan,nawawala ang excitement ko pag ang isang actor ay araw araw kong nakikita na iba iba ang ginagawa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  monix89

    02/20/2012 | 11:40 AM
    hay nko.. grazildachuva chu chu..xelamikila..wg na kau react ate...accept the fact nlng! that wa sabi tlga yang paninira nyo... kasi that's their prsonal life.. ano ba namn problema nyo kung cla n kris? dba wla??hangang dyan nlng kau.. kukulobot nlng mga mukha nyo..trending parin cla! TO THE MAX ang kasikatan..., oh? reaksyones na nman? PAK!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  europa

    01/18/2012 | 09:18 PM
    ikaw misshugo... pwde ba mag asukal ka teh... masyado ka yatang mapaet... lahat nalang ba bitterness and Destructive criticism??? wla nabang constructive man lang? wag maging feeling know-it all kasi halata teh.. I'm just happy that 3 big networks are very competitive nowadays but i doubt if they could be able to surpass TFC in terms of global market.. yun lang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  europa

    01/18/2012 | 09:11 PM
    isa lang ang masasabi ko dito sa europe TFC lang ang alam namin... so mg haters dyan magwork kayo and study hard.. Hindi yang pagiging bitter nyo ang atupagon nyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  MissHugoBacungan

    01/18/2012 | 08:46 AM
    I don't see much improvement in Coco's acting, it's the same acting he did in the movie Masahista! Good for Coco, and I hope that he will share his blessing with his lovechild with Katherine Luna! On the other hand, grabe naman sa bakuran ng Dos, nasabing Kapamilya ang tagline pero mga broken families naman ang mga artista like Coco and Katherine Luna, Kris Aquino and Phillip Salvador, Kris Aquino and Joey Marquez, Kris Aquino and James Yap, etc etc etc
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Lokotoy

    01/18/2012 | 06:43 AM
    Napansin nyo ba pano magsalita si coco ng live....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  twist000

    01/17/2012 | 11:53 PM
    lotus tama ka jan,anong kwenta kung manonood ka lang ng palabas na ung magandang mukha lang ang inaappreciate mo di ba,pagdating sa actingan eh di ka din makarelate or di tatagos sa puso mo ung role at eksena,pero infairness di din sya papatalo sa itsura
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  lotuss

    01/17/2012 | 10:23 PM
    Sa mga manonood na hindi mahilig sa pa cute lang na artista.. siguro nga hindi siya COCO popular.. pero sa mga taong mas gustong panoorin ang galing ng pagganap ng isang artista.. kilala na si coco dyan. dahil ang talent niya ang ibinibigay nya .. pangalawa na lang siguro yung pagiging good looking nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  thelastpepbender

    01/17/2012 | 08:44 PM
    popular ba talaga sya? di ko ramdam. si gerald a pwede pa kasi halos lahat alam ang budoy na show.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  kapusohater

    01/17/2012 | 08:43 PM
    meron din namn flop movies ang Star Cinema pero grabe kung box office ang pinag usapan..hindi na mabilang..ehh sa GMA films..i cant think of a movie from GME na blockbuster..puro flop..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapusohater

    01/17/2012 | 08:39 PM
    itong si grazildachuchuva or whatever..puro flop kc movies nang GME kc ang cheap nyong gumawa nang movies..Star Cinema has high quality standard kaya tinatangkilik..kahit sa endorsements, dominated nang ABS stars..inggit kalang kc kahit primetime queen nyo kono..wla nang endorsements..gumawa kc kayo nang movies na tumatak sa mga tao..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Jockinthepan

    01/17/2012 | 05:24 PM
    what totoo ba iyang chika na iyan tungkol kay Coco and Kris. Hindi naman siguro magiliw lang kasi si Kris sa mababait.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dreamer

    01/17/2012 | 03:56 PM
    at ang ganda ng pilot ng walang hanggan. may susubaybayan na naman ako every night.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dreamer

    01/17/2012 | 03:55 PM
    ibang klase talaga acting ni coco. nang dahil sa kanya nagawa kong magtaksil kay lloydie.wahahaha.. ibang klase! yung javier at alexander characters niya sa MLKI damang dama ko. ang sarap niya panoodin. tumatagos sa pagkatao mo yung character niya. wagas na wagas!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    01/17/2012 | 03:37 PM
    Coco Martin is the male Nora? baket naghimala ba sa ratings mga shows nito? pwera natin ang Nutam padded naman ito katulad ng Star Cinema Box office results!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • grazildachuvastra

    01/17/2012 | 03:37 PM
    Coco Martin is the male Nora? baket naghimala ba sa ratings mga shows nito? echepwera natin ang Nutam padded naman ito katulad ng Star Cinema Box office results!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • xelamikila

    01/17/2012 | 03:33 PM
    pardon my grammatical error ie "did you deleted..." past na past...ahaha!! anyways, as i said, buhay nila yun. naawa lang siguro ako kay Coco pag nagkataon, tulad ni JY.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    01/17/2012 | 03:22 PM
    yung deal or no deal si Luis na raw ang host sabi ni Kris. pero xelamikila tingin ko hindi pa sila pero hindi naman imposible dahil tao lang sila at baka madevelop kung laging nakabuntot si coco kay kris.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • xelamikila

    01/17/2012 | 03:14 PM
    admin, why did you deleted my first post? ano ba masama sa unsolited advice ko kay Coco na umamin na sila ni Kris, anyway buhay nila yun at ano ba ang dapat nilang ikahiya? may news blackout ba tungkol sa kanilang 2?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • xelamikila

    01/17/2012 | 02:48 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About