Coco Martin on getting plum acting projects: "Ang tagal ko rin namang hinintay ito. Kumbaga, dumaan ako sa pa-extra-extra sa mga indie films, ilang beses na rin naman akong lumabas sa TV, pero hindi pa rin ako napapansin. Ilang beses na rin naman akong ni-reject sa mga projects na hanggang sa audition lang ako. Kaya ngayong andito na ito, e, dapat lang na mag-focus ako rito. At kung anuman yung kaya kong gawin, e, dapat lang na isagad ko na ang serbisyo ko,"

Photo: Noel Orsal

"Sobrang pasasalamat ko talaga sa ABS.

"Naikot ko na ang lahat ng istasyon—sa TV5, sa GMA, at huling-huli nga itong ABS—at dito ako binigyan ng chance.

"Nung una siyempre, maliliit na roles.

"Kailangan lang na ipakita ko ang talent ko kaya nang binigyan na nila ako ng pagkakataon, itinodo ko na at sinuklian ko naman ng maganda ang ibinigay nilang pagkakataon sa akin.

"Sunud-sunod ang trabaho ko ngayon. Ang bakante kong oras, e, itutulog ko na lang.

"Kung wala akong taping naman, e, tinatapos ko yung movie namin ni Angeline [Quinto]. Ito yung You Light Up My Life.

"'Tapos, may mga mall shows pa kami para sa Walang Hanggan, kaya almost every day talaga may trabaho ako."

MOVIE WITH JUDY ANN. Kinumusta rin ng PEP kay Coco ang pelikulang pagsasamahan nila ng young superstar na si Judy Ann Santos.

Sabi niya, "Baka makapag-start na kami by the end of March. Medyo may mga trabaho pa kaming pareho na dapat tapusin."

Ano ang reaksiyon niya sa tawag sa kanya ni Juday na "bagets"?

Napangisi si Coco, at sinabing, "Hindi pa kasi kami nagkakasama. Baka kasi ang akala niya sa akin, bagets pa talaga at inosente pa.

"Pero sabi ko nga, nung makita ko siya noon sa Anak TV [Awards], e, hindi ko alam kung paano siya lalapitan.

"Kasi Judy Ann Santos 'yan, di ba? Pero nang magkalapit na kami, e, nilakasan ko na ang loob ko at sabi ko, 'Ms. Judy Ann, congratulations po.' Ngumiti naman siya sa akin.

"Ang payat-payat pa niya ngayon at ang ganda, di ba?" papuri pa ni Coco sa future leading lady niya.

Ngayong masasabi nasa peak na siya ng kanyang career, may mahihiling pa ba si Coco?