Tinanong si Coco Martin kung ano ang masasabi niya sa pananaw na mas bagay daw kung siya ang gumanap na Budoy (isang mentally challenged na binata)sahalip na si Gerald Anderson.

"Hindi naman. Si Gerald, actually, saludo ako sa kanya roon. Ang galing [niya], sobra. Kasi, ang hirap noon. Kasi nagawa ko na iyon sa Maalaala Mo Kaya. Two days taping lang ako ha? Pero siya tuloy-tuloy," Coco says.

 

Photo: Allan Sancon

Itinuturing ni Coco Martin na isang pambihirang oportunidad ang maging artista, kaya't mahal niya ang propesyong ito.

Kitang-kita naman kung gaano siya ka-dedikado bilang aktor.

Sa kanyang belated birthday press conference para sa entertainment press nuong Nobyembre 15, ipinahayag niya ang kanyang saloobin sa trabahong nagpapala sa kanya.

"Minsan idya-justify mo, bakit ang mga artista ganyan kalaki ang suweldo?

"Pero tama lang po iyon, dahil kung alam lang nila kung gaano kahirap ang trabaho namin.

"Kasi, habang ginagampanan namin iyong role namin, binabaligtad namin ang aming mundo.

"Pinapalitan namin ang aming pagkatao doon sa role na ginagampanan namin.

"Matapos ng isang show, instead na magbakasyon at magpahinga, ako hindi, e.

"Naglu-look forward ako kung ano ba ang next show ko at pinaghahandaan ko iyon.

"Kasi ayaw kong pupunta ako sa isang trabaho na hindi ako preparado.

"Sa mga workshop nga, kapag nagpupunta ako, sinasabi ko na hindi ako nagpupunta roon para magturo ng tamang acting, kundi magbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong mag-artista.

"Ang trabaho namin kasi ay napaka-komplikado, kasi buong buhay mo e," mahabang panimula ni Coco.

"Sa totoo lang, kung tatanungin sa akin kung bakit ang talent fee ng artista ay malaki, [sasabihin ko] worth [it] iyon e, kasi, sobrang hirap.

"Kasi after ng trabaho namin, ang daming tao pang pakikisamahan. Mayroon kang image na iniintindi...

"Mabuti nga ako, nagsimula as an indie actor na yung image, sobrang layo sa inaano ko e.