Heart Evangelista on relationship with Daniel Matsunaga: "Okey naman kami so far. After naming maging busy, the next day magmi-meet kami or susunduin niya ako...ganyan. 'Tapos, magmu-mall kami. Or punta kami sa restaurant.  Kain-kain. Tsika-tsika. O manonood ng movie. Ganyan. The whole day kaming magkasama kung may time. Pero kung wala, okey lang. Hindi na kami masyadong... Kasi kapag pressure, you know, mas mabigat."

Photo: Noel Orsal

Isang masiglang Heart Evangelista ang nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 22, sa lobby ng GMA Network Studios. 

Katatapos lang umere ng Party Pilipinas, kung saan regular din siyang napapanood linggo-linggo. Pero kahit pagod, hindi ito makikita sa aura niya.

Excited pa nga si Heart sa pagkukuwento tungkol sa Legacy, ang pinakabagong primetime series ng GMA-7, kung saan isa siya sa mga bida, kasama sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

"'Yong pinakamabigat nang eksenang ginawa ko, siguro 'yong no'ng may namatay, 'tapos super nagwawala ako dahil pinapaalis ako do'n sa funeral. 

"After ng eksena na 'yon, tulog na tulog ako sa sobrang bigat ng eksena. 

"Kami ni Ms. Jackielou [Blanco] ang magkasama do'n. Mag-ina ang role namin.

"And ang sarap ng feeling. Kasi, parang nabibigyan ng outlet 'yong mga gano'n. 

"Ang sarap um-acting kapag lahat ng tao involved," saad niya.


DRAMA ACTRESS. Sa naunang umere nang episodes ng Legacy, talagang maraming dramatic scenes si Heart. 

Maganda naman ang feedback ng marami sa performance na ipinamalas niya.

"Actually, marami pa. Umpisa pa lang 'yon," nangiting sabi ng aktres.

"So, marami pang mga drama. 

"Kaya usually, kapag sa taping, lagi akong nasa kotse. Lagi akong tulog dahil mabibigat lahat ng eksena.

"Pero 'yon naman din talaga ang gusto ko, e. Mahilig talaga ako sa drama. 

"So, feeling ko, napu-fulfill 'yong mga dreams ko."

Handa na rin ba siyang mapasabak sa mga eksenang may confrontations, tarayan, at sabunutan?