Daiana Menezes on why she doesn't want to discuss reasons of her breakup with Direk GB Sampedro: "Huwag na muna kasi may mga anak siya, e. I'd rather na huwag kong saktan yung mga taong hindi naman connected sa amin. I'd rather keep it to us na lang. Alam naman niya kung ano ang ginawa niya, e. So sana makonsensiya... Ako ang nakipag-break, pero alam naman niya kung ano ang ginawa niya. And I'm sure na yung mga tao sa paligid namin, alam naman din nila kung ano ang reason. Pero if somebody wants to know further, just dig the history, di ba?"

Photo: Jerome Ascano

Nakatulong kay Daiana Menezes ang bakasyon niya abroad, partikular na ang pagbabalik niya sa Brazil at pagliliwaliw sa Paris, noong December 2011 hanggang January 2012.

Nakapaghinga raw siya at nagkaroon ng pagkakataong makita muli ang kanyang mga magulang, kapatid, at kamag-anak sa Brazil na matagal na niyang hindi nakikita.

Dapat nga raw ay babalik siya uli sa Brazil para sa Rio Carnival nitong nagdaang February, pero hindi ito natuloy.

"I had to turn it down kasi ang dami kasi akong contracts here na kailangang tapusin," paliwanag ni Daiana sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya last March 7, nang dumalo siya at makisaya sa thanksgiving party ng PEP na ginanap sa Centerstage Makati.

"Dahil kung umoo sa kanila," patuloy niya, "hindi ako puwede dito. It requires me two months of rehearsal. 

"Hindi ako puwedeng mawala because of my contracts here. And I think na mahirap mawala ka ng two months. 

"I mean, I have to be very responsible to the contracts that you've  signed before and if I'd done that, hindi naman magiging maganda sa mga tao dito, hindi rin magiging maganda sa akin."

Pinairal lang daw ni Daiana ang pagiging professional niya kaya hindi masasabing inisnab niya ang sarili niyang bansa.

"Hindi naman negative yung pagte-turn down ko doon. Kasi hindi naman ako sikat-sikat doon.

"Hindi pa ako artista doon, hindi pa ako nagsisimula sa showbiz doon.

"Dito ako may career. 

"Like what I said, may mga contracts ako dito."

BODY TATTOO. Napansin ni Daiana ang pagsulyap namin sa tattoo niya sa kanang braso na simbolo ng pagmamahalan nila ng dati niyang boyfriend—ang TV and concert director na si GB Sampedro.

Ipapatanggal na raw niya ang nasabing tattoo.