Daiana Menezes on why she doesn't want to discuss reasons of her breakup with Direk GB Sampedro: "Huwag na muna kasi may mga anak siya, e. I'd rather na huwag kong saktan yung mga taong hindi naman connected sa amin. I'd rather keep it to us na lang. Alam naman niya kung ano ang ginawa niya, e. So sana makonsensiya... Ako ang nakipag-break, pero alam naman niya kung ano ang ginawa niya. And I'm sure na yung mga tao sa paligid namin, alam naman din nila kung ano ang reason. Pero if somebody wants to know further, just dig the history, di ba?"

Photo: Jerome Ascano

"Gusto kong mas mahalin muna ang sarili ko. Hindi yung titingin ako sa braso ko na hindi naman maganda yung memories na naalala ko."

Apelyido nila ni Direk GB ang naka-tattoo sa braso ni Daiana. 

Kapag binasa ito nang paharap sa Brazilian, pangalan ni Direk ang mababasa. 

Kapag binasa naman ito nang nakatalikod kay Daiana, pangalan niya ang mababasa.

Sinubukan na raw ni Daiana na takpan ang tattoo sa paglalagay ng ibang design. Kaya lang ay mas lumaki ito kaya gusto na lang niyang ipatanggal. 

Isa pa, gusto na raw talaga niyang matanggal ang alaala sa katawan niya ng dating kasintahan.

"The same way that I want to erase the person from my mind and my life, the same way it should be erased from my body," saad niya.

RECOVERY FROM BREAKUP. Naka-recover na raw nang husto si Daiana sa pagiging heartbroken at nakatulong daw ang bakasyon niya sa abroad.

"That's why I went home, nag-unwind. Nakita ko yung family ko.

"I saw everbody that is worth to love, because if that person is worth loving, you would be after whatever he claimed in the beginning—which he didn't do.

"Yun nga, parang lalake kasi, e. They come, they promise you things, you fall in love with them... it's up to you to believe. Ma-hurt ka or..."

Nilinaw rin ni Daiana ang isyung tinanggihan niya ang offer na kasal ni Direk GB.

"I told him it wouldn't that easy or fast. Hindi naman yung kinabukasan magpakasal na agad. 

"Of course, I totally committed naman to him talaga. I was really in love  and willing to marry that person. 

"And then, at the end of the relationship, nagiging pangit naman talaga ang ending.