celeb

Alice Dixson contemplates adopting a child

by Nonie V. Nicasio posted on June 7, 2012  STATS: 6620 Views | 7 Comments

 

Alice Dixson on the possibility of adopting a baby: "Maybe, darating din iyon, but not right now. Alam mo, nagpahula ako the other day, sabi ng manghuhula ay may darating sa aking grasya—baby girl ang sabi niya at aampunin ko raw 'yon. This year 'yon, so tingnan natin before the end of the year."

Photo By: Noel Orsal

Posibleng mag-ampon ng isang baby girl si Alice Dixson ngayong taon.

Ito ang inihayag ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, Pebrero 15, sa launching ng mga bagong shows ng TV5 na ginanap sa NBC Tent sa Fort Bonifacio Global City, Taguig City.

Nang usisain ng PEP kung bakit wala pa silang anak ng mister niyang si Ronnie Miranda, nakangiti pero kiming sumagot ang aktres.

Halatang ayaw niyang pag-usapan ang hindi pagkakaroon ng baby, kahit almost 13 years na silang kasal.

"Wala, hindi kami nag-baby," paiwas na sabi ni Alice.

May plano ba silang magka-baby?

"Ahhh... we're... hindi ko ma-disclose.

"Ayaw ko nang pag-usapan, huwag na nating pag-usapan," nakangiting iwas ng aktres.

Pero inamin ni Alice na posible silang mag-ampon ng bata ngayong taon.

"Maybe darating din 'yon, but not right now.

"Alam mo, nagpahula ako the other day, sabi ng manghuhula ay may darating sa aking grasya—baby girl ang sabi niya at aampunin ko raw 'yon.

"This year 'yon, so tingnan natin before the end of the year."

Sabi ng aktres, "60 percent" daw ng mga hula sa kanya ay nagkakatotoo.

Samantala, pinabulaanan ni Alice na on the rocks ang marriage niya o hiwalay na sila ng kanyang mister.

"Hindi totoo 'yon. In fact, uuwi ang husband ko dito next month... dadalaw siya," sabi niya.

1  2  3  4  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • dizon28

    02/18/2012 | 10:18 PM
    kaya lang ang tanong, kunin ba naman siya ng 2 or 7 para mag guest sa kanila? e di parang binigyan nga nila ng extra exposure si alice, parang nag promote na rin sila ng artista ng kalabang istasyon! malamang yan ang nasa isip ng 2 or 7 kaya malabo yun hanggat nakakontrata siya sa tv5
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dizon28

    02/18/2012 | 10:15 PM
    sana nga makalabas din siya sa 2 or 7, hindi pa ganon karami ang viewers ng tv5 kaya kulang siya sa exposure, pero mas magaganda ngayon shows ng tv5 compare sa 2 stations
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ClawClown

    02/18/2012 | 03:46 PM
    Sayang, di maipapasa ang napakagandang mukha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    02/18/2012 | 02:30 AM
    maybe you got the wrong ex-husband alice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    02/18/2012 | 12:48 AM
    agree number one..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • batang_okka

    02/17/2012 | 08:02 PM
    sayang naman at hindi sila nabiyayaan ng kahit isang anak...pero sa isang banda God knows what's best for us and baka ang mission nila is to help other children...good thing na strong and happy ang relationship nilang mag-asawa that alone is already a big blessing
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • walischingching

    02/17/2012 | 07:50 PM
    i like her... combination of mysterious and sweet personality and face.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About