celeb

Lexi Fernandez glad to have Derrick Monasterio as partner in The Road

by Rose Garcia posted on June 4, 2012  STATS: 3057 Views | 3 Comments

 

"Kay Derrick naman po, masaya ako na siya ang ka-loveteam ko, kasi never kaming bored. Ang character niya talaga, palagi lang siyang nagpapatawa at saka makulit. Sobrang palaging may energy sa set," says Lexi Fernandez when asked about her The Road co-star Derrick Monasterio.

Photo By: Noel Orsal

Sa November 30 na ang pagpapalabas sa sinehan ng bagong horror movie ng GMA Films, ang The Road

Isa sa excited sa showing ng pelikula ay si Lexi Fernandez, na kasama sa cast.

Proud daw ang dalagita sa pagkakagawa ng kanilang pelikula.

Ayon kay Lexi, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) sa presscon ng The Road: "Napakaganda po talaga ng film.

"Pinag-isipan, pinaghirapan pong talaga.

"Hindi lang po siya yung tipo ng horror movie na nakakagulat,  or puro multo. 

"Ito talaga yung may story siya na kailangan mong sundan at kailangan mong mag-isip para makuha mo yung flow ng buong story."

EQUAL EXPOSURE. Ayon kay Lexi, walang masasabing talagang iisang bida sa pelikula nila.

"Lahat kami, parang yung pinag-usapan nga namin, hindi namin puwedeng sabihin na may bida ang movie dahil parang teamwork talaga lahat ng artista.

"Lahat ng mga eksena, parang everyone has a big role para ma-gets mo ang story. 

"Lahat may ginagampanan talaga."

Silang tatlo raw nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang madalas na magkakaeksena sa pelikula.

Kuwento ni Lexi, "Sobrang saya lang po. Sobrang naka-bonding po namin ang isa't isa.

"Sobrang light lang. Palagi kaming excited na mag-shooting. 

"Kay Derrick naman po, masaya ako na siya ang ka-loveteam ko, kasi never kaming bored. 

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

3 Comments

  • Paradigm

    06/05/2012 | 03:54 AM
    Malamang bano to kasi produktong pucho pucho...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    11/26/2011 | 04:06 PM
    da who?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Mute19

    11/26/2011 | 02:26 AM
    Shes pretty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About