celeb

Toni Gonzaga gets emotional during interview with Joey de Leon

by Ruben Marasigan posted on November 28, 2011  STATS: 663 Views | 16 Comments

 

Toni Gonzaga on the possibility of transferring to another network: "Alam mo, isa lang ang natutunan ko dito sa industriyang ito—na hindi mo maipapangako ang loyalty mo sa kahit na anong istasyon at kahit anong programa. Ang loyalty ko ay nasa pamilya ko. Kasi, at the end of the day, showbiz industry...this will all come and go—'yong kasikatan o 'yong karangyaan.  Pero ang maiiwan sa lahat, 'yong pamilya mo. Kaya kung saan masaya ang pamilya ko, kung saan nila gusto para sa akin, do'n ako."

Photo By: Noel Orsal

Napakasarap daw ng pakiramdam ni Toni Gonzaga dahil sa kanyang panalo bilang Best Female TV Host sa nakaraang 25th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Nanalo si Toni para sa ASAP Rocks.

Masayang-masaya siya na mabigyan ng recognition sa larangan ng TV hosting kung saan siya natuto at nahasa nang husto.

"Isang malaking karangalan iyon para sa akin," ani Toni nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, November 27.

INTERVIEW WITH JOEY DE LEON. Nakausap ng PEP si Toni pagkatapos niyang ma-interview nang live si Joey de Leon, na first time nag-guest sa The Buzz para mag-promote ng pelikulang Won't Last A Day Without You nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Ginagampanan ni Joey sa naturang pelikula ang papel bilang ama ni Sarah.

Dati namang magkasama sina Toni at Joey sa Eat Bulaga! bago lumipat ang TV host-actress sa ABS-CBN.

Sa umpisa pa lang ng panayam niya kay Joey ay naiiyak na si Toni. Bakit nga ba siya emotional sa paghaharap nilang iyon?

Paliwanag ni Toni, "Kasi, hindi ko naman akalain na darating ang araw na mai-interview ko siya, e. At magkakasama ulit kami sa iisang entablado."

Inamin ni Toni na noong umalis siya sa Eat Bulaga! at lumipat sa ABS-CBN, iniyakan niya na nagalit sa kanya si Joey. 

Paano ba nagalit sa kanya ang veteran comedian-TV host noong mga panahong yun?

"Hindi...Sinabi naman sa akin ni Ate Ruby [Rodriguez, isa sa mga co-host sa Eat Bulaga!] na, 'Hindi naman talaga galit sa 'yo si Tito Joey, inaasar ka lang no'n.'

"Na siyempre raw, sa loob-loob ni Tito Joey, masaya siya na malayo pa ang puwede kong marating. 

"Na...nangyari naman. Nakarating ako dito sa Mother Ignacia!" natawang biro ni Toni, na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan ang ABS-CBN compound.

Kung sabagay, nasabi rin ni Joey na kung hindi umalis si Toni sa Eat Bulaga! para lumipat sa Kapamilya network ay baka wala siya sa kanyang estado ngayon bilang si Toni Gonzaga.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

16 Comments

  • 16  delicate_tickles

    11/29/2011 | 10:40 AM
    ay ewan, basta ako i love joey de leon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  tarantinobill

    11/29/2011 | 08:27 AM
    Both stations are trying to get credit for Toni's success. The only person who should really be credited is Toni herself. She was born talented.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  r2kin2

    11/29/2011 | 03:03 AM
    institution na ang EB. you should be proud to have been part been part of EB.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  alexis2222

    11/28/2011 | 10:45 PM
    ang dali lang naman mag desisyon.. i konsider mo lang kung gusto mo na malaos... eh di lumipat... pero matalino si toni at siguro enjoy pa syang sa pagiging sikat kaya stick muna sya sa ABS, diba? hahahahahahah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  icoi

    11/28/2011 | 08:28 PM
    Magaling naman talaga si Toni as a host and she learned from the best. She has her own style na di puwedeng gayahin ng iba. Ke ilagay mo yan sa ABS, GMA, TV5,RPN9, bitbit nya yong galing nya maski sabihin pa na duling. Ang pagkaduling nya has nothing to do with her talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  moulder

    11/28/2011 | 08:06 PM
    Eh anu banaman kung lumipat si tony ABS hindi sya kawalan sa 7 muka na nga syang TH sa HYY nila rico j
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  moulder

    11/28/2011 | 08:03 PM
    steelwings, tunay ka, totoo ang sinabi mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • steelwings

    11/28/2011 | 06:52 PM
    naglaho na ang mga naninira kay Joey oh! hahahahah! lublob na kasi ang mga nakatapat ng Eat Bulaga! Pansin ko, MAS BUMAIT si Willie nang lumipat sa TV5! Iba talaga pag TV5 vs GMA7, i mean walang grit. ABSCBN lang naman at ang kanilang fans ang may smear campaign department. Spammers sa internet sites. Mahilig magcomment ng di magaganda against GMA7 at TV5!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    11/28/2011 | 06:15 PM
    pasalamat tlga sya sa tvj lalo na kay bossing nahasa siya ng husto sa EB naenhance na lang nya sa ibang lugar...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rom_05

    11/28/2011 | 05:40 PM
    susan, actually ang dami niyang show sa GMA bago pa siya lumipat sa DOs. may eatbulaga tapos may regular sitcom meron ding teleserye di pa kasama yung mga guestings. yun nga lang hindi lead dahil bago pa nga siya noon. I dont think yung dami ng project ang problema baka yung laki ng talent fee. Kung mas mataas ba naman offer ng DOS at the same amount of work kahit sinu lilipat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • susanboyle

    11/28/2011 | 05:07 PM
    toni was young when she transferred to abs. hindi nakita ng gma ang potentials niya and di nabigyan ng magandang projects sa gma. when she movd to abs, doon siya nabigyan ng opportunity to try other things, hosting, acting etc. and dito na siya nag mature. baka destiny. sa mga tao na nagsasabi na duling si toni, yes, medyo nga minsan parang ganoon. my angle na ganoon siya. pero totally maganda siya, maputi and sexy.okay lang yan, maraming nagmamahal ky toni
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malimali

    11/28/2011 | 04:40 PM
    napaiyak sya pano isa si joey na nagsabi na syay deling huhuhuhuhuhu..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    11/28/2011 | 04:29 PM
    Di kagandahan minsan ayos n ayos na blah blah pa rin beauty. But i like the way she runs her life. Di ma.landi. Ganda p ng katawan. Minsan pag ganitong matino di na importante super beauty k
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rom_05

    11/28/2011 | 04:26 PM
    ang hindi ko lang nagustuahn dati eh nung may mga nagcomment na gumaling si Toni dahil sa show niya sa Studio 23. kahit saan pa makarating si Toni magaling siya dahil sa Eat bulaga siya nagsimula. At nakuha din niya yung pagiging spontaneous niya at mabilis na pag-iisip dahil sa Eat Bulaga. Dahil doon bawal ang slow kailangan marunong sumalo at makagets ng joke bawal din ang sobrang selan.And the TVJ they let everyone shine basta may potential sa hosting hinahayaan nilang humawak ng mic at magsalita. never naging issue ang sapawan o power tripping sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • astute

    11/28/2011 | 04:23 PM
    God Bless Toni Gonzaga and Joey De Leon. Their interview in The Buzz was one of the best moments in TV. Two of the greatest hosts ever!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    11/28/2011 | 03:55 PM
    God bless you Toni!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About